9:18 AM | 03/04/2013
Pagbigyan n’yo na ako na pasadahan ko ang isang usapin sa
showbiz. Hindi sa maiba naman ha? Pero dapat yata e once and for most, may
sasaway sa mga mapusok na bata ngayon dala ng panunood nila ng sobra-sobra sa
mainstream. Kaya yun, isang halikan ang naganap sa isang singing stint ng isang
binatang artista at nagtrend ito sa Twitter, dala ng mga taong hindi makaget
over sa naganap.
Ito ang problema sa pagiging malading fangirl, pagiging
promineneteng pigura (ha? Talaga lang ha?) sa panahon ngayon, at pagbibigay ng
media ng sobra-sobrang hype at atensyon sa showbiz news.
Isa sa mga biglang sumulpot na hashtag sa trending list ng
Twitter sa Pilipinas ang #RespectDanielPadilla at dahil nacurious bigla ang
inyong lingkod (dahil ano na namang pautot ito, mga jeje’t sobrang mainstream
na nilalang, ha?) at dito ko nalaman ang istorya.
(Video: http://www.youtube.com/watch?v=BxTqguTvTCk)
Isang babae na naman daw ang nakalaplap di umano ni Padilla
sa ASAP. Hmmm… that do “crossed the line” nga. Ika nga ng isang Twitter user na
si Kevin Balot, “You have to know your limitations.” And presto, naging wildfire
ang atensyon sa isang walang kato-atoryang storya, halos wala itong pinagkaiba
sa paghalik ni Katy Perry sa isang lalake sa gitna ng kanyang concert nun.
Kung maalala ko pa nga e may isang video na kumalat sa
Facebook nun na nagpapakita ng pagiging sobrang fan ng mga dalagita sa nasabing
binatang artista. Yung tipong sobrang mangiyak-iyak na at umaakto na parang
nakawala sa koral lang naman sila. Kaya ayun, masisi mo ba naman ang mga tao sa
social media kung bumira sila ng kumento na tulad ng “mag ate, shabu pa!” at
iba pa.
Wala sanang masama
dun, pero siyempre may limitasyon pa rin dapat. Kung ilalarawan mo sa
cellphone video ang pagiging OA o malanding fangirl mo, aasahan ka pa ba na
rerespetuhin ka ng mga kaedaran mo? Kung hahalikan mo siya as if na siya ang
kasintahan mo para lang maka-iskor ka ng super-duper-mega-hyper fan points o
super-duper-mega-hyper fan moment, good luck na lang sa iyo.
Still, that crossed the forbidden line pa rin. Dapat kasi
matuto rin rumespeto.
Pero may magagawa ka pa ba? Maliban sa nagtrend pa ito sa
Twitter? Ayon sa aking pananaliksik sa mga news feed ng Twitter e nasa pangalawang
pwesto pa ito. Naku, hindi na kataka-taka sa dami ba naman ng KathNiel fans e. Ang problema lang e, umapaw
naman sa sobra-sobrang reaksyon ang mga ito. Parang mga naiinggit sa ginawa ng
babae.
Pero ang reaksyon naman ng ibang “nagseselos di umano,” hindi
kami nagseselos, nagke-care lang kami. OWS? Feelingerang girlfriend much? E
kung tigil-tigilan n’yo na lang din ang
pambubully sa kanya (babae)? Simpleng kissing lang on-air ginawa niyo nang
national showbiz issue? Pucha, tama si breykryzyble sa kumento nya na ito:
“mga kabataan ngayon iba na talaga! di mo na inaalam ang totoong kwento, inuuna pa ang panglalait sa tao, ng dahil lang sa kiss na ginagawa ng girl Kay Daniel , sinisiraan na ninyo? Eh! Halata namang hindi sa lips tumama ang halik niya kay Daniel eh! He already explained that on the buzz! Grabe naman kayo makapanira doon sa girl!”
At ito ang panaob dyan, ang salita mismo ng artista. Sabi ni Daniel Padilla sa The Buzz, aksidente lang yun. O, tapos na ang usapan, 'di ba?
O siya. Uso ang pagmumove-on, mga hija. Aral-aral din kasi ‘wag
lang yung tatangkilik ng palabas ngayon at magpapakaswag o jeje pa yan, kaya
ang daming lumalandi e. Kung gusto niyo ng respeto, simulan niyo sa sarili niyo
yan, hindi sa pamumutakte sa Twitter o sa pagpapakita ng inyong pagiging “malanding
fan.”
Pareho lang naman may mali e. Kaya kung tutuusin, non-sense
ang trending isyu na ‘to.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!