Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 March 2013

Just My Opinion: Teammates on a Collision Course.


02:38 PM | 03/09/2013

Isang pasada naman sa isang mainiting headline sa pampalakasan. Nakakagulat lang ang nangyaring insidente sa isang laro ng Philippine Basketball Association kagabi.

Nang dahil sa isang tawag ng referee, nagkaroon na matinding komosyon sa pagitan ng 3 manlalaro ng Petron Blaze Boosters. Inatake sa sakal ng import ng koponan ang kanyang teammate. Ang mga nasangkot na pangalan ay sina Renadlo Balkman, Ronald Tubid at Arwind Santos.


Nasa video ng AKTV ang ebidensya sa mga kaganapan. Halos patapos na ang laban nang mangyari ang hindi inaasahan. 21.6 na segundo ang nalalabi nang sinugod ni Balkman ang isang game official para makipagtalo sa isang tawag sa laro. Natwagan pa siya ng technical foul. Tinangka ng mga kasamahan n’ya sa naturang koponan na awatin siya, pero hindi nagpa-restrain ang American-Puerto Rican player, tinulak n’ya sila asistant coach Biboy Ravanes at Ronald Tubid bago ang mainitang aksyon nila ni Arwind Santos sa hard court.

Unang beses yata ito sa kasaysayan ng liga na nagkaroon ng matinding komprontasyon sa pagitan ng teammates, na nasa kalagitnaan ng isang laro. Madalas kasi sa locker room o practice lang nagaganap ang mga sigalot na ito.

Sa sobrang init lang ng pangyayari, nagtrend ito sa Twitter. Aniya, dapat daw ay umalis na sa Petron ang napag-initang import at ipadeport na ito kung ang kumento ng publiko ang tatanungin.

Sa kabilang banda, sabi naman ni Noli Eala, ang head ng sports opertaion sa Sam Miguel Corporation na may hawak sa team ng Petron, na magse-stay siya sa team dahil siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 5 panalo ang Petron. Aniya, “it’s just an off night” at hindi raw kelangan na palitan s’ya kagad.

At matapos ang laro ay humingi siya ng paumanhin sa lahat nang naganap. Pero hindi siya pa rin nakaligtas (kung hindi pinatawad) sa kanyang ginawa. Dahil kaliwa’t kanang pagkundena ang ipinukol sa kanya. Aniya, unprofessional ang tingin sa aktong iyun ayon kay Danny Seigle.

Kunsabagay, attitude over achievement kasi ang usapin kung huhusgahan mo ang ginawa niya. May 5 panalong naitala mula sa effort n’ya. At sa kanyang laro sa Alaska Aces kung saan ay natalo sila at naganap ang hindi inaasahan, nakapagtala lang siya ng 6 na puntos sa 3-for-16 shooting.

Sabagay, sino ba naman ang hindi maiinis o mapu-frustrate sa ganung pangyayari? Pero ibang level kasi ang ipinakita ni Balkman e, baka nga kahit ang kalaban nila ay nagulat sa nasabing komosyon na yun. Kahit game offical e hindi na yata n’ya iginalang.

At some point, aagree din ako kay Eala na off-night. At tingin ko, sincere naman ang apology ni Renaldo.
Pero still , ang desisyon na iretain siya sa team na yun... well, no comment. Wala na tayong magagwa dun kung anuman yun.

Pero... ika nga ni Doug Kramer, “You don’t do that to your teammates.” Magaling siya kung paglalaro ng basketball  ang usapan.  Yun nga lang, ingat na lang siya sa kilos n’ya sa court, lalo na temperamental pala ang taong yan. Andyan ang passion, pero siyempre, ang sobra-sobrang bagay kahit pasion pa yan, ay hindi pa rin talaga tama. Kung darating sa sukdulan na kokomprontahin nya ang sinuman, mapakakampi o kalaban, e hindi na yata tama yun. At come to think na may isyu pa yata s’ya sa NBA

Kung dapat siya ma-ban sa paglalaro dahil sa kaganapang ito o masuspinde o whatever ang parusa, hayaan na natin magdecide ang commsioner ng ligang ito.

Basta, para sa akin, frustrated ang mama e. Yun nga lang, maling-mali pa rin ang ginawa niya. Unprofessional at hindi karespe-respeto ang ginawa n’ya.

sources:
http://ph.sports.yahoo.com/news/nba--balkman-attacks-own-teammate-in-meltdown-as-petron-loses-141116143.html
http://ph.sports.yahoo.com/news/nba--pba-players-shocked-over-outburst-even-as-balkman-says-sorry-164550404.html

Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!