Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 March 2013

Kumpisal Ng Isang Nagbabanal-Banalan

11:05:13 PM | 3/24/2013 | Sunday

Iba ang tunay na pananampalataya sa pagiging hipokrito. Hindi porket lagi kang nagsisimba ay banal ka na. Yan ang isa sa mga kwentong aking natunghayan nung minsan ay nagkumpisal at humingi ng payo sa akin ang isang taong saksakan ng pagiging madasalin sa loob-pero-nuknukan ng sama sa labas.

Si Mang Mario ay halos araw-araw nagsisimba. Kabisado na nga niya ang kada unang pagbasa, ang salmong tugunan, ikalawang pagbasa, mabuting balita, at ang mga karaniwang sermonyas ng pari sa misa. Makikita mo sa itsura nya na siya ay isang palasimbang tao. As in lagi siyang nagdadasal. Nilalagay pa nga n’ya sa kanyang Facebook status yan.

Pero sa mga eksena sa labas ng simbahan ang siyang aking ikinagulat at ikinadismaya. Kung ano ang ikinalinis niya sa loob ng banal na tahanan ay siya namang ikinaitim ng kanyang budhi sa labas.

Sa kanyang sariling tahanan, lagi niyang pinapagalitan ang kanyang mga kapwa na as if siya lang ang anak ng Diyos. “Ano ba naman kayo? Sa araw-araw na ginagawa ng Diyos e...” ang karaniwang maririnig sa kanya. Teka, ‘di ba labag sa pangalawang utos n’ya yan?

Sa kalye, ang lakas nya magbunganga na mas masahol pa sa demonyo. Hinuhusgahan ang bawat taong madaanan at hahaluan pa ito ng kulay na kung tawagin ay relihiyon. “Magsimba naman kasi kaya di lumalapit sa iyo ang grasya e,” ang salitang binitawan nya sa isang tao na minalas sa kanyang trabaho.

At kung may makasalubong siya na hindi niya kabaro sa pananampalataya, walang habas niya na sisiraan pa ito, at ipapangalandakan ang kanyang pananampalataya. Born Again siya, Katoliko naman si Mario, at ang tanging sabi lang n’ya pag may nakaharap na iba ang relihiyon ay, “Asus, ito lang ang tamang daan para makamit ang buhay na walang hanggan no? Yang Born Again-Born Aagin nay an? SUS!”

Ang mas masaklap pa na parte ay tamad siya. Dasal lang siya ng dasal, pero wala namang ginagawa para makamtan ang kanyang mga panalangin na makakuha ng trabaho, magkaroon ng matinong kasintahan, magkaroon ng limpak-limpak na salapi, bahay at sasakyan. Ni hindi man lang marunong maglinis ng kanyang kwarto. Palamunin sa mata ng kanyang mga nakababatang kapatid.

Kaya ang kanyang mga dasal, ni hindi yata dininig ng nasa itaas. Wala pa rin siyang trabaho, palamunin na tambay pa rin. Naghihirap pa rin. Tamad na nilalang pa rin. Pero sa halip na may gawing mabuti, ay siya pang may ganang magalit. “Bakit hindi mo tinupad ang kahilingan ko? Akala ko ba Diyos ka! Sumagot ka nga!”

Ito lamang ang mga aking naitugon.

Alam mo, may kasabihan – nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kung wala ka namang inatupag kundi ang maging tambay dyan sa kanto, kahit kahit ilang ikot ng rosaryo at nobena pa ang ilitanya mo pero hindi naman dininig ng Diyos ang panalngin mo, wala kang karapatang magreklamo sa kanya.

Saka ito lang ‘tol ha? Iba ang pagsasabi ng Mabuting balita sa pagyayabag ng anumang relihiyon mo at sa kaparehong pagkakataon ay ang pagyurak mo sa ibang sekta.

Practice what you preach, ika nga. Sayang, ‘tol Mario kung panay taliwas naman sa pananampalataya ang inaatupag mo sa labas ng simbahan habang halos mangiyak-iyak ka habang nakaluhod sa loob para lang masabi mo ang nais mo sa buhay at umaasa na matutulungan ka n’ya.

Yun lang. Hindi pa huli para itama ang pagkakamali na ‘yan, Mario.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!