Photo credits: (see above) |
Monthsary. Isa sa mga nausong salita sa panahon ngayon.
Isang salita na ginagawang big deal sa konstekto ng relasyon.
Monthsary? Parang month or 1/12 version lang ng salitang “anniversary?”
Oo, meron pa nga d’yan e “weeksary.” Pero parang ang sobrang OA naman nun.
Parang tinataningan mo sa bilang ng linggo lang ang pagsasama n’yo.
Over-romantic much?
Pero bakit nga ba nauso ang salitang “monthsary?” Anak ng
pating naman, e salita lang naman ito para sa mga hindi sobrang babaw at hindi sobrang
pusok na nilalang sa pag-ibig ah?
Dahil madalas sa panahon ngayon, ang mga relasyon ay hindi
tumatagal ng mga taon. Panay buwan lang palagi ang inaabot (at pag inabot ka pa
ng kasaklapan, linggo o araw lang). Ika nga e “short time” lang ang kadalasan
sa mga relasyon ngayon. Minsan nga “show off” lang e. As in may maipakita lang
sa mga tropa na “uy, girlfriend ko pala oh.”
Parang ang dating tuloy nito e sobrang swerte mo na kapag
umabot kayo ng isa o dalawang taon.
Kaya ang kaisa-isang petsa sa kada buwan ng kalendaryo ay laging espesyal (kuno) sa isang magsyota. Bawal
gawing ordinaryong araw lamang ito, dahil kung hindi, tiyak na may away na
magaganap sa pagitan nilang dalawa. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit
bumebenta ang mga negosyo na may kinalaman sa pakikipagdate at regalo, isama mo
na d’yan ang resto, motel at ultimong mga shop na katulad ng Blue Magic.
Kaya binibilang nila ang kada panahon at katiting na
pagkakataon na magkakasama sila.
E ‘di ba mas dapat pagtuunan ng pansin ng mga ‘to ang mga
pamamaraan kung paano nila patatagalin ang samahan nila?
Ganun sana, pero hindi yun ang punto actually. Parang proud
lang sila na at least umaabot sila ng ganung panahon.
Pero dapat lang talaga na mas pinagtutunan ng pansin kung
paano atagal ang isang relasyon kesa sa magbilang. Parang nagbibilang kasi ng
effort sabay sumbat pag nag-away ang dating nito e.
Walang masama kung ilalgay sa lugar ang pagse-celebrate ng
monthsary. Like kung wala pa kayong isang taon. Pero kung kada taon at buwan e
bibilangin niyo (i.e. “Happy 60th Monthsary honeybunch!” “Di ba pwedeng Happy
5th Anniversary na lang instead), parang... nah, OA lang ang dating.
Ang pagse-celebrate ng monthsary
ay halos walang pinagkaiba sa pag-iisip o ni pagbili ng mga maliliit o tinging bagay.
Nakakamura nga pero hindi naman sulit. Think big na lang, think “anniversary.”
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
Hmmmmm. :)
ReplyDelete