Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

31 March 2013

Matapos ang Pagpepenitensya...


12:09:28 PM | 3/31/2013 | Sunday

Well, tapos na ang panahon ng pagluluksa. Tapos na ang panahon ng pamamanata. Nabuhay na ulit si Jesus Christ. Magbubunyi na naman ang sangkatauhan. May Easter egg pa na kasama. Buhay na naman ang negosyo, opisina, at mga himpilan ng radio, TV at pahayagan.

Kaso, ang tanong... matapos ang Lenten Season, ano na ang mangyayari? Babalik ka ba sa dating gawi? Natural, pero sa dating gawi na hindi na ka na naman magsisimba? Gagawa ka na naman ba ng kalokohan? Mambabalahura ka naman ba sa iyong kapwa? Tapos pagdating ulit ng Semana Santa sa susunod na taon e parang mga santo’t santita kung umasta? Bait-baitan na naman ang peg?

Ang plastic mo din ano? Ayos sana kung hindi ka talagang relihiyosong nilalang e. Kaso aasal na parang gago ka na naman tulad ng dati?


Ito lang siguro ang nakalulungkot na senaryo sa palagiang pag-ikot ng taon at pagpapalit ng kalendaryo sa usapin ng Holy Week.  After Easter Sunday, balik sa makamundong gawain ang tao. Makakalimot kung paano manalangin pero hindi nakalilimot sa anumang kalokohan natin.

Pero sa kabilang banda, ito rin ang malungkot na katotohanan – parte na ito ng siklo ng ating pamumuhay. Tuwing Holy Week lang kasi nagninilay-nilay ang karamihan sa atin. Kung minsan, doon lang din natin narerealize na kelangan naman kahit papaano e linisin natin ang konsensya na para kang nag-detoxify ng ating sikmura.

Parang ang dating tuloy – tuwing Semana Santa lang tayo nagpapakarelihiyosong tao. Parang tuwing Semana Santa lang tayo nagpapaka-vegetarian, nagsisimba, o hindi nagpe-Facebook (asus, yan pang hindi palagian pagpe-Facebook, matitis mo?) Parang ipokrito nga lang din ang dating.

Pero t’wing Semana Santa lang ba natin alalahanin ang paghihirap ni Kristo? Hmm... depende na sa iyo yan. Puwede ring sa kada pagkakataon na nagdadasal ka.

Pero yun lang ba ang dapat nating maalala pag Semana Santa? Hindi, dahil hindi lang ito panahon ng pagdarasal. Kundi pag-alala ito sa atin na laging gumawa ng mga mabubuting bagay, hindi lang sa mata ng tao, kundi sa mata na rin ng batas ng lipunan at ng nasa itaaas.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!