Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 March 2013

One-(huge)-mistake-you-ban. (Just My Opinion: Renaldo Balkman’s Deserved Tragic Departure)


06:43 PM | 03/12/2013

Banned na siya, o ano na? Lalagyan pa rin ba natin ito ng mala-rainbow na kulay?

Tama. Napatawan ng lifetime ban ang import na si Renaldo Balkman, isang dating player sa NBA na naging import sa PBA dahil sa matinding away nila ng kanyang kakamping si Arwind Santos. Isang marahas na pagtatapos sa isa sanag malulupit na manlalarong banyaga na naglaro sa Philippine Basketball Association, ang pinakaunang professional basketball league sa Asya.

Sayang ba? Oo nga e. Pero ganun talaga.

Sobrang init ba ng headline? Hindi na kataka-taka. Lagi naman nagiging big deal ang usaping import basta galling ng NBA ‘di ba?

Oo, lalo na sa panahon ngayon na kahit sino nama’y e instant opinyonista’t sports analyst na gamit ang mga social networking site tulad ng Twitter.

Bakit nga ba nahantong sa matinding parusa ang isang ‘to, na pagkagaling-galing naman sa laro bago mangyari ang hindi inaasahang… komprontasyon?


Mantakin mo, ayon sa artikulo ni Charlie Cuna, 33 puntos, 14 rebounds at 4 na supalpal ang nagawa n’ya sa second-to-the-last game n’ya kontra sa Barako Bull. Tapos sa pagkabadtrip n’ya last week, 6 na puntos lamang?!

At ang pinakaugat ng kaisa-isa n’yang pagkakamali sa torneong iyo? Ang hindi pagpito ng referee. (Mababaw ba? Actually sa unang tingin, oo. Pero kung ikaw ay naglalaro at lagi mong nararansan ito, HINDI. )Hindi s’ya natawagan sa huling drive n’ya halos lampas sa 20 segundo bago matapos ang laro. Na-foul daw s’ya diumano. Kaya ayun, nag-amok laban sa mga game official, at sa hindi sinasadyang pagkakataon (pero nangyari na e) e nadamay pa sa kanyang init ng ulo sila Ronald Tubid at Arwind Santos.

Nakaka-shock nga naman dahil ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong kaso sa liga.

Naging mainit ang araw ng Linggo para a mga fans. Nagsalita si Kume Chito Salud sa panayam sa halftime ni Jessica Mendoza, saka guest sa AKTV si Balkman mismo, at kwento nga ni Santos e ayos na sila. Tila kapatid n’ya ito maituturing at aniya, normal lang sa kanila ang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa court. Ayun naman pala e. Nagkapatawaran naman pala sila.

Ah, ganun? Para sa akin, tama yung nagsabi na kung sa practice lang ito naganap, medyo okay pang remedyuhan. Pero kung sa game mismo naganap ‘yan? Ibang usapan n ‘yan, kasi hindi lang mga tropa mo sa Petron ang nakakakita n’yan kundi pati ang mga kalaban mo nun na Alaska Aces, ang mga opisyales ng laro at ang publikong nanunood mismo, ke sa Araneta Coliseum man ‘yan, sa AKTV, o pati na rin sa mga taong nakikinood sa YouTube.

Pero bakit pa rin s’ya na-ban at may sampal sa mukha pang fine na nagkakahalagang dalwangdaan at limampung libong piso?

Simpleng dahilan. Hindi katanggap-tanggap ang inasal n’ya. Tila sampal sa mukha ito ng liga at ng buong Pilipinas.  “Blatant and utter disrespect to the game,” ika nga.

Kunsabagay, kahit sino namang foreigner yata e hindi naman pwedeng gaganun-ganunin lang tayo lalo na’t nasa sarili nating lupain s’ya, ‘di ba?

Sa madaling sabi, salta lamang s’ya sa bansang ito.

Pero hindi maidedeny na ang ganda pa rin ng ipinakita n’ya.

Yun nga lang, ito rin ang nagpapatunay sa kasabihan na “kayang yurakan ng isang pagkakamali (lalo na kung ito ay napakabigat o napakalaki) ang buong reputasyon mo.” Kaya nitong kalimutan ang mga magagandang bagay na nagawa mo before.

Oo nga, nakaka-30 puntos ka nga kada outing pero salbahe ka naman sa court. Ika nga, attitude over effort 
ang peg lang nito. Mantakin mo, nang dahil lang sa isang away, ang Balkman-imal na hinangaan mo, naging Balkman-anakal, naging instant persona non grata ka sa mata ng fans, target ng mga basher sa Twitter, at iba pa.

Pero sa kabilang banda, hindi kaya tama rin ang nagsasabing “hindi naman yata patas na panghuhusga” ‘yan? Dapat nga may second chance na ibinigay sa kanya, tutal kaisa-isang kapalpakan lamang naman ang naganap. Ang tawag d’yan, one-strike policy.

Puwede rin, kung hindi nangyari ang headbutt incident ni Renaldo sa isang laro nun sa ibayong dagat, isama mo na rin ang alterkasyon niya kontra sa bench ng Alaska sa Cebu. At siguro dahil na rin sa posibleng takot na baka mangyayari pa ulit yan sa ibang laro.

Hmmm… ito lang masasabi ko. Sincere ang mama sa pagkakamali n’ya; at sa kabilang banda, tama at patas lamang ang ginawa ni Kume.

Pero bakit ang ibang tao na may katarantaduhan din ang nagawa (tulad na lamang ng isa na inaway ang fans) e hindi naman nabigyan ng sapat na kaukulang parusa? Well, iba-iba rin kasi ang pamamaraan ng paghahatol ng sinuman sa mga taong nasasakdal o sangkot sa isang alterkasyon eh. Wala na tayong magagwa d’yan.

Basta ako, parang laro ng basketball lang ‘yan. Dapat natatapos pag tumunog ang buzzer at inanusyo na ang final score. *sabay tumunog ang buzzer mismo* 

Sources:

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!