03/14/2013 10:55 PM
Photo credit: struturstuff.wordpress.com |
Hindi pa ganun kalaganap ang Twitter nun (kaya hindi yata
uso ang sa modernong bokabularyo ang salitang “trending”). Pero sa gitna ng pananghalian
noong Biyernes, Marso 6, 2009, ito ang bumulaga sa mga manunood ng isang
noontime show nun – ang biglaang pagkamatay ni Kiko. Mula sa mga salita ni
Bossing Vic Sotto na nagsapubliko ng balitang ito.
Naalala ko ’to. Breaking news pa sa’min ‘to habang nasa
break time at naghihintay sa 1pm class namin noon, kaya naging parte ng usapan
naming sa mga magkakaklase sa Mass Comm. ‘to. And who would deny na isa s’ya sa
mga naging impluwensya sa popular na kultura noong panahon na yun? Naging
pioneer ng rap music mula pa noong late
80s, naging aktor sa pelikula at telebisyon, naging host, tinaguyod ang
sariling clothing line, inestablish ang Rap Public of the Philippines, maraming
tinulungang artista sa larangan ng musika, naging producer at director ng ilang
mga music video, nakipag-collaborate sa mga ilang pangalan sa musika
mapa-kapaerehong genre man o iba sa minamarket n’ya.
Ang laki ng kontribusyon n’ya sa kulturang ginagalwan n’ya,
pati na rin sa industriya na nagsisilbing hanap-buhay n’ya.
Ang huling blog post na ito sa kanyang Multiply account* ay napuno ng mga kumento ng pakikiramay sa kan’yang pamilya, panalangin at
pasasalamat sa mga naiambag n’ya (URL: http://francismagalona.multiply.com/journal/item/338/4th-Chemo-Cycle)
Nakakagulat ba? Oo, ang bata pa kaya n’ya kung tutuusin sa
edad na 44 taong gulang. Pero ano ba magawa kung yun na ang panahon para sa
kanya, at matindi pa ang kalaban n’ya (na itago natin sa tawag na “sakit”).
“A doctor at the hospital who requested anonymity told reporters that Magalona succumbed to multiple organ failure "secondary to severe sepsis and secondary to pneumonia." (http://www.gmanetwork.com/news/story/151644/news/nation/master-rapper-francis-magalona-passes-away-at-44)
Mula noon, ilang araw din sinariwa ng mga istasyon ng radyo
ang kanyang pinalaganap na musika. Nagkaroon ng kanya-kanyang tribute at
airplay para sa mga kinanta n’ya kahit dekada ’90 pa ito sumikat. Kung tama pa
ang pagkakaalala ko, naisabay pa nga ito sa playlist ng Hip26 ng RX93.1 at
Saturday Slam ng Magic 89.9 nun.
Ganun din sa Eat Bulaga na naging tahanan para sa mga rap
music enthusiast nun sa pamamagitan ng segment na Rap Public of the
Philippines. Nagperform ng kani-kanilang mga alay na numero, at kasama d’yan
ang makapagdamdaming awit nila ni Gloc-9 na pinamagatang Lando.
Mabuti na lang, kahit namayapa na ang alamat ay tuloy pa rin
ang buhay ng hip-hop sa Pinas. Sa tulong ng mg rap battle na naging isa sa mga
local na YouTube sensation noong 2010, na nagbigay daan naman para sa ibang mga
artista sa industriya na iangat ang nasabing genre sa Pinas.
At kahit namayapa s’ya nun, hindi naman nagpaiwan sa ere ang
kan’yang kolaborasyon kay Ely Buendia ng bandang Eraserheads. Naging single pa
nga nila sa mga radyo at music channel ang Higante at Bus Stop mula sa kanilang
album na The Sickos Project.
Basta, isa lang masasabi ko: Mabuhay ka, Kiko!
Author: slickmaster |
© 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!