Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 March 2013

PlayBack: Gloc-9 feat. Jay Durias – Hindi Mo Nadinig (music video)

03/03/2013 05:25 PM 

Matagal na rin mula noong unang umalingawngaw sa tenga ko ang kantang ito (salamat sa YouTube), at nauna na rin akong gumawa ng post ukol sa kantang ito bagamat e aminado ako na parang nakukulangan ako sa mga sinualt ko dun. Anyway...

“Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig?”

Hanep, kuma-crime of passion ang tema ng kanta at ng music video ito. And ito lang yata ang isa sa mga mangilan-ngilang kanta na hindi binibigkas o ni inaawit ang pamagat sa chorus na part ng kanta. In fact, yan ang huling tatlong salita sa track nila Gloc-9 at Jay Durias.



Mula sa kanyang Mga Kwento ng Makata, ito ang kanyang ikatlong single. Ika-6 naman sa listahan kung ikaw ay may CD o digital album n’ya.

Naiiba ito considering na matindi ang kwento ng pagsuyo, pagkukulang ng isa, pagtaksil sa kasintahan at ang pinakabrutal pero nakakapangilabot na parte – paghihiganti.

Nakakalungkot na realidad pero kahit napakabihira ang ganito sa ilang tao e d’yan mo makikita ang isang tao na naging sakim sa sarili, uhaw sa pagmamahal, na ang punto ay parang “may masama kang ginawa sa akin, ganun ‘din dapat ako sa iyo.”

By the way, tampok sa music video na ’yan si Kean Cipriano. Kasama si Gloc bilang isang pulis sa bandang duluhang eksena, at si Durias na pianista.

Ang tindi lang ng kantang yan. Parang nakikita mo ang perspektibo (sa pamamagitan ng naturang awit) ng isang taong nagmahal, niloko, tinanggihan sa dulo at isang mamamatay-tao bilang pagresbak sa kataksilang ginawa ng kasintahan. All-in-one ang dating.

Isa s’ya sa mga rekomendado kong track pagdating sa kwento ng isang pag-ibig na nauwi sa trahedya. Well, para sa akin lang ha?

Mapapnood ang music video ng Hindi Mo Nadinig sa YouTube channel ng Universal Records, ang kumpanyang gumawa ng album ni Gloc-9 na Mga Kwento Ng Makata.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!