Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 March 2013

Playback: Hello World – SBNT (Sick But Not Tired)

01:20 PM | 03/15/2013

Local vocal ba ang usapan? Ito kaya, try mong panoorin:


Una ko ‘tong nakita noong book-signing event ni Ramon Bautista sa TriNoMa, apat na buwan na ang nakalilipas. Hindi pa nga yata ito tapos i-edit nun e, ayon na rin sa kanya.

Ang bokalista ng bandang ito ang isa sa mga host ng naturang event nun. Minsan, nakadaumpang-palad pa namin ng tropa ko (na nagkataon na andun din pala s’ya) si Nani Naguit na kumanta niyo. Naging interesado kami sa musikang dala ng music video n’ya nun.

Well, ayos. Worth the wait pala ang apat na buwan na ‘yun. Nakakahype yung rhythm n’ya, at ayos yung mga letra ng kanta. For one moment, na-LSS ako. Siguro dala ng aking matinding paghintay na mapanood ko ang music video na ‘to. Yun nga lang, hindi ko pa alam kung saang istasyon ‘to pinapatugtog. Parang ABANGERS lang e‘no?

Pag tingin sa music video na ito na ito, makikita ang isa sa ilang cameo appearance ni Monra sa mga music video ng OPM, at isa sa mga tipikal na lokasyon para mag-shoot – ang compound ng UP, particular sa labas (s’yempre). At sa kabilang banda, si Nani Naguit, na isa rin palang direktor, ay naging aktor sa isa sa mga episode ng palabas na pinamagatang Ramon Bautista’s Tales From The Friend Zone.

Lumabas na ito sa MYX nitong nakaraang February lang. Pero actually sa aking pagsasaliksik, ang kantang ito ay mahigit dalwanag taon na pala nagawa. Yan ay kung pagbabasehan ang mga gig nila. Siyempre, doon naman nagsisimula ang mga banda di ba? Unless ang lakas mo na sa mainstream, at may recording company ka na.

Yun. Wala lang. Astig e. Dapat nga ito ang mas sinusportahan natin kesa sa mga bubblegum pop na nauuso sa mainstream eh. At dahil d’yan, ito ang isa sa aking recommended track ngayong taon.

Mapapanoon ang iba pang video sa kanilang YouTube channel na http://www.youtube.com/user/HelloWorldPH at http://www.youtube.com/user/helloworldrock.
 I-like ang kanilang Facebook page sa http://www.facebook.com/HelloWorld.Rock
Puwede niyo rin silang i-boto sa MYX. Tignan lang ang music video nila kung paano.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!