Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

06 March 2013

Silang mga mapanghusgang tanga.


12:31 PM | 03/06/2013

Ika nga ng kasabihan, “Ang lalakas ng taong manghusga, pero bulag naman sila sa sarili nilang kamalian.”
Grabe lang ano?

Oo nga, ang lalakas nilang manghusga. So sobrang tindi lang nila, hindi na tatalab sa kanila ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Sabagay, Dahil mga tao nga naman sila at hindi sila libro. Kung makapanumbat ng salita sa kanilang kapwa, akala mo siya lang ang anak ng Diyos, siya lang ang itinalagang sugo ng kani-kanilang mga anito, mga tao kung tawagin ay “prodigal son” kuno. Mga perpektong nilalang bang maituturing? Ewan.

Ito siguro ang mahirap sa mga taong hindi makontrol ang kanilang mga bunganga porket Malaya silang nakakapagsalita o ni maglahad sa papel o internet.

Mga taong dinaig pa ang mga komedyante (straight man o bading) kung manlait. Mga tao kung makapuna dinaig pa ang mga kritiko. Mga kung akala mo ay mga husgado, hukom o ni mahistrado sa Korte Suprema kung makapagbigay ng hatol. Mga taong ang lalakas manghusga...


E anak ng putang tarantado sa overpass ng Cubao, mga tatanga-tanga din naman sila!

Mga nagbibingi-bingihan sa kanilang mga mga flaws. Mga taong ang lalakas mangutya pero hindi naman maitama ang kanilang mga kamalian at bagkus, may gana pa silang ipangalandakan ang kamalian nila. Nakakalimutan yata ng mga putok sa buhong ito na tao rin naman sila tulad natin, (o siguro hindi nila matanggap yun). Na kahit ang lulupit natin sa ating kanya-kanyang mga larangan e nagkakamali pa rin naman tayo (palibhasa hindi pa yata nila narinig ang mga kantang may tema na tulad ng Tao Lang ni Looine e.). Kaya sa totoo lang, dapat bang manghusga ang tao kung tatanga-tanga din naman ang mga ito?

Kung tutuusin, wala ngang nakasaad sa ating karapatan na gawin yun e. Pero dahil nasa demokratikong mundo tayo, yun lang.

Minsan nga napapataka na lang ako, bakit may ganitong budhi pa ng mga gago sa mundo? Pero sa kabilang banda, naisip ko na lang din nay an lang ang patunay na patas lang talaga ang buhay sa mundo. Kung may mga matitino, mayroon ding mga mapanghusgang tanga, este, gago.

Naku, kung ako’y magiging isang mababatas lamang, gagawa ako ng panukala na magbabawal sa sinuman na manghusga kung una, kukulang-kulang sila mula sa mentalidad hanggang sa pagtimbang ng mga pangyayari. Mga tao na hindi alam ang “filling his shoes.”

Mga bagay na magpapatotoo lang sa kasabihan na “Huwag manghusga, kung ayaw mong mahusgahan.” Kaya kung tanga ka pero may gana ka pang manghusga na akala mo ikaw lang ang superior na nilalang sa sangkatauhan, mag-isip-isp ka muna, lalo na kung hindi mo pa nalalaman kung gaano katindi ang dinaranas niya.

Sige, ikaw din.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!