Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 March 2013

Tarantadong Tanong At Tarantadong Sagot.

03/15/2013 12:15 PM 

Ito ang isa sa mga nauusong bagay ngayon. Ika nga ni Lourd de Veyra, “Kung tarantado ang tanong, tarantado rin ang sagot.” At kasama d’yan ang pag-pertain sa mga jokes ni Papa Jack (Caller: Ako? DJ: Hindi, yung Kalabaw. SIYEMPRE, IKAW!!!) at sa mas pagpapasimuno ni Vice Ganda (Hindi na kailangan pang bigyan ng sandamukal na halimbawa. Either pumunta ka sa blog ni Juan Mandaraya na pinamagatang “Vice Ganda Syndrome” o ika nga ni Stanley Chi, IGMG or in short, I-Google Mo, GAGO!), kasama na d’yan ang dalawang installement ni Word Of The Lourd’s "Snappy Answers to Stupid Questions."

Oo nga naman kasi. Bakit ka pa magtatanong kung obvious naman ang sagot? Parang ito lang.

Vice:  Pasok mo nga dito yung mga papeles ko.
Assistant: Sir, saan ko ipapasok , dito sa loob"?
V:  Hindi! Sa labas, ipasok nga ‘di ba? Puwede bang ipasok sa labas? Sige nga, subukang mong ipasok doon sa labas!

O ito:

(Sa gasoline station, pagbaba nya ng window)
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi, magpapaconfine ako. Malamang magpapagas! Gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito? Tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.

O mas lalo naman ito:

Jun: Isda po ba ito? (Sabay turo sa isda)
Lourd: HINDI. BAKA YAN!

Minsan kasi, sa kabilang banda, kaya minsan nagkakaroon ng mga tinatawag na “nakakatangang tanong” dahil hindi nila alam kung paano magstart ng matinong usapan o transaksyon.  Puwede ring sadyang slow lang yung nagtanong. Hindi naman lahat ng tanong ay magkakalevel ang utak.
Pero huwag ka naman ding magtanong ng mga ganito, kasi baka malamang tatangahin ka ng kausap mo sa mga sagot n’ya.

Hanggang saan aabot ang 20 pesos mo? (Unless ikaw yung copywriter ng alinman sa mga Selecta Cornetto commercial, e tingin mo, may patutunguhan pa ang halagang yan sa ngayon maliban sa ice cream na yun? Well, sarap din naman e.)

What is the world’s number 2 shampoo? (Ano ka, kalaban ng Head & Shoulders na sumuko na kumpetisyon?)

Masasaya lang ba ang kumakain ng Happy Meal? (E paano kung depressed ka at hindi mo trip ang McDonalds?)

Kung bukas pa luluhod ang tala, bakit hindi pa ngayon? (Ano ka, astronomical version ni Nostradamus?)

Kung nag-evolve ang tao mula sa unggoy, at what point ka nagpaiwan? (Ano ka, si Diego na laging biktima ng mga discriminatory jokes sa Bubble Gang?)

O kung mas malala:

Kung mamamatay ka bukas, bakit ‘di pa ngayon? (Sino ka, si Sheyhee at kalaban mo si Andy G? At parang sadista mo naman tsong.)


Oo nga. Huwag ka naman magtatanong nga mga ganyan, lalo na kung korni pa ang labas mo. Hindi na nakakatawa (dahil hindi ka bagay maging komedyante), nakakainis ka pa (panira ng mood ang mga yan e lalo na kung wala pa sa tiyempo ang  pag-crack ng joke). Kumusta naman, ‘di ba?

Which reminds me sa isang anonymous question sa aking ask.fm nun, na originally e galling pa sa isang kaibigan ko: “Kung ikaw ay magiging isang artista, ano ka, sinewserte?”

Kung ikaw ang tatanungin ng ganyan, ang sarap lang basagin ang trip n’ya no?

Ano ang pinakapunto niyan? Ayusin ang tanong, kung gusto mo ng matinong sagot… at ng matinong kausap na rin.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

1 comment:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!