Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

08 March 2013

The Comical Problem on the Philippine Primetime TV Nowadays.



12: 53 PM | 03/08/2013

“Is the Philippine comedy dead?”

Yan ang isang tanong na pumasok sa isipan ko matapos ko mapansin ang ganitong bagay. Una, panay romantic bullshits na ang umeere sa primetime slots. At pangalawa, masyado nang madrama at nega ang karamihan, dala ng pagtutok sa TV (siyempre, naiimpluwesyahan e lalo na kapag either nakakarelate sila o no choice dahil yun lang ang matinong reception). Karagdagan na lamang na dahilan ang pagpanaw ng mga alamat sa industriya ng pagpapatawa sa telebisyon tulad nila Palito, Redford White ang Hari na si Dolphy, at iba pa.

Kasabay kasi ng pag-usbong ng mga romantikong telenovela at teleseryeng may pantasya ang tema ay ang tila pagkamatay ng mga sitcoms. Kung dati panay gabi-gabi mo sila nakikita, ngayon ay weekend na lang sila nagpapakita sa ere. Kung dati nasa lugar ang pagiging wholesome, ngayon alaws na. Kung dati, may mapapanood ka na may pahapyaw na kumento sa isyung napapanahon, ngayon sa balita ka na lang makakakuha. At kung dati ang titindi ng patawa, ngayon panay mas mababaw pa sa pamimilosopo at slapstick na ang napapansing taktika.

Kaya minsan, ito pa ang karagdagang tanong ko. “Bakit dapat ibalik ang mga situational comedy programs sa primetime?” at ito rin ang mga sagot ko.


Una, dahil mas realistic ang approach nito kung ikukumpara sa telenovela ngayon. Obivous naman, sino ba ang hindi mauurat kung ang teledrama ngayon ay pinapaikot na lang ang kwento para maextend lang? Na yung kontrabida e hindi mamatay-matay kahit sinagasaan na ng pison at nahulog sa ika40 palapag? (Sabagay, nagpapatotoo lang sila sa kasabihang “ang masamang damo, matagal mamatay” ‘di ba?) Na may magaganap na resureksyon kapag namatay panadalian habang nakaratay sa ospital ang bida (ano ka, si Hesukristo?). Mahirap din yun sa parte ng mga manunulat nun ‘di ba?

Mas realistic ang approach ng komedya dahil sa likas na usapan ng tao. Madalas mapapansin mo ay tawanan. Kaya kahit ang bibigat ng mga problema ng iba, dinadaaan na lang nito sa tawa.

Sa sobrang realistic nga ng approach nito e at least dito rin nabubuhay ang satire nun, na doon lang nagiging aware ang mga tao pagdating sa usaping current events. At literally, tinatawanan lang nila ang problema.

Pangalawa, ang kelangan ng tao ay good vibes, at isa sa mga bagay na nakakapagbigay ng mga ito ay ang komedya. (Hindi kaya, kilig kaya!) Weh, anong kilig factor? Sino ba namn ang hindi mabibuwisit kung sasalubungin ka pa ng problema sa bahay kung in fact e stressed ka na masyado sa trabaho mo kanina? Parang mas nadadown ka lang sa nakikita mo kung bad news na nga ang nakita mo sa mga newscast, e mga di pa kanais-nais na eksena pa sa primetime ang gagatong pa pagkatapos?

E dati at least may natutulog nun na may ngiti sa labi o ‘di naman kaya ay at least nag-end ang araw nila on a good note. Mas okay naman yun kesa sa mga teledrama.

Pangatlo, mas matitindi ang mga istilo ng pagpapatawa nun. Hindi tulad ngayon na ang karamihan ay nagreresort na lang sa pamimilosopo ang approach. O ‘di naman kaya ay literal na slapstick ang approach. Harap-harapang sinusupalpal ang isa ng mga bagay na kung tawagin ay katangahan at gagamitin ito ng sa matitinding pag-asaran. Minsan, nakaktuwa pero minsan nakakapikon din. Buti pa si Bitoy na ang creative niya sa pamamaraan ng paggawa ng mga comedy antics.

Pang-apat, hindi sila nambibitin. Dahil kumpleto  sila sa rekados, ke segment man yun o isang episode ng sitcom. Lagi ngang may conflict, pero lagi naman ding may climax at resolusyon, ‘di tulad ng mga telenobela na akala mo ay matatapos na ang isang kabanata ng teledrama hanggang sa... abangan bukas! Puro problema at sigalot sa palagiang pag-ere e halos wala naming kasagutan din.

At panglima, at least hindi ‘to katulad ng mga teledrama na nakabobobo lang isipin. Sino ba namang tanga ang maniniwala sa mga bagay na tulad nito: tama lang ang makikipagdahsan sa ngalan ng pag-ibig, ang pag-ibig ay mas dapat pang pagtuunan ng pansin kesa sa mga pag-aaral (maikita ito sa ilang mag eksena sa mga teledrama na kung saan ay panay ang eksena ay laging sa cafeteria o sa classroom basta wala pang subject), okay lang sumagot sa nakatatanda kahit na sila pa ang nagpapakain sa inyo. (siyempre, case-to-case basis naman palagi ang mga ganitong senaryo e), at pang-apat sumuway sa batas trapiko sa ngalan ng pag-ibig, kasakiman at paghihiganti.

Uulitin ko. Sinong tanga ang maniniwala sa ganyang bagay na umeere sa telenovela?

Dapat ipetition na ibalik ang mga ganito e. Buti na lang sa cable meron ulit. Kaya mabuhay ang Philippine comedy!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. Hey SlickMaster! Pangalawang comment ko ata ito sa iyong mga akda? hehe

    Kapag nanunuod ako sa local channel, ito ang mga channel:

    Channel 5 dahil sa mga anime and cartoons. Sobra ang hilig ko sa mga iyan, mula pagkabata. At sama mo na din yung mga movies. Tagalog eh, mas madaling maunawaan, pang masa. :)

    Channel 11, gustung-gusto ko ang mga documentary nila. May substansya at talagang pumupukaw sa ating kaisipan at damdamin.

    Iyan lang.

    'Di ako nanununod ng balita, puro negatibo eh. Ang mga teleserye o drama naman ay malalaswa. Nasasabi ko ang mga ito dahil concern ako sa mga batang manunuod. Aminin natin, 'di lahat ng mga magulang at ginagabayan ang kanilang mga anak sa panunuod. Saksi ako dyan.

    Sa komedya naman, tama ka, may akda, kapilosopohan ang ginagawang instrumento para magpatawa. Kaya sa panahon ngayon, mahirap nang makausap ng matino ang tao kasi panay pamimilosopo. Mas lalo akong nalulungkot kapag nakikita ko ito sa mga kabataan.

    Sa panahon ngayon, kapag nakapanuod ka ng wholesome na palabas, corny ang dating at talagang "extinct".

    Kapag ako gumawa ng television show, lahat ng ideal ko ay nandun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe! Well, we have the same thought on your last sentence. I also agree on majority of your points sa mga sinabi mong channels. I used to watch them for some time.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!