03/06/2013 12:35 AM
Pwede rin itong pamagatan bilang the “Paparazzi
Syndrome.”
Ang mundo
ngayon ay parang isang malaking bahay ni Big Brother – lahat may camera, lahat
may capable na gumawa ng sariling video at YouTube channel, lahat may karapatn
bilang maging isang “citizen journalist (kuno),” at lahat ay may karapatan para
magkaroon ng sariling pangalan (as in maging celebrity ba). At kung hindi man
lahat ay ganito, e di “karamihan.”
Ayos na sana
e, lalo na kung sa kabutihan ito ginagamit ng mangilan-ngilang tao, o kung
worth it naman ang anomalyang expose mo (yung tipong may surveillance shot ka
ng isang “jamming session ng mga adik sa ipinagbabawal na droga). Kaso, may
mali lang sa pagiging a la Big Brother kung ito’y wala sa lugar. Marami ang mga
umaabusong nilalang. Siguro kating-kati sa kanilang mga cellphone at wannabe
videographer sila.
Kaya siguro dapat ay ituro na sa lahat ng bata ngayon ang
mga bagay na may kinalaman sa media ethics.
Ang daming
mga feelingerong citizen journalist, yung tipong may maipagmalaki lang sa
Facebook, Twitter, Tumblr, o kung saang mga websites pa iyan. Parang 'tong mga
gagong ito:
Kuha lang sila nang kuha nang hindi nila
nalalaman ang kumpletong detalye ng storya. E nasa
video na ang ebidensya e. Sabagay, hindi nga naman nagsisinungaling ang video.
Pero paano kung hindi mo nakunan ang simula ng isang pangyayari? Paano kung
nasa kalagitnaan lang hanggang sa maawat na sila ng ikatlong partido? Hangal na bobo! Matuto kang manghusga nang
nasa ayos!
Kuha sila nang kuha, at upload sila nang upload not
knowing na napakalaking bagay at responsibilidad ang dala-dala nila. Take this video for an example.
Isang high school na couple ang nabosohan at inupload ang video sa internet.
PDA ba ang pangangatwiran mo? Given, pero hindi sapat na dahilan yun para
iupload mo ang mala-iskandalosong video nila. Kung totoo man ang nabasang
kumento ko nun sa isang thread na ang nilalaman ay ang post na iyun, na nagpakamatay
ang babaeng nainvolved dahil sa kahihiyan dala ng nasabing video, naku... masusupalpal
lang ang taong nagpasimuno nun ng “tarantado ka lang talaga. Viral hit nga ang
inilarawan mo, pero tanga-tanga ka naman dahil hindi mo alam kung gaano kabigat
dalhin ang ganyang bagay sa internet.” (Kung nababasa n’ya ito, “oo,
putanginamo ang tanga mo talaga.”)
Kuha lang sila nang kuha pero ang bababaw naman
ng mga eksenang kinukuhaan. May bago pa ba e kung ang mga eksenang tulad ni Amalayer noong 2012 e
klasikong moro-moro na sa mga pampublikong lugar? Parang mga first time kayo
makakita ng mga taong nag-aaway ha? Yan kasi ang hirap pag masyadong painosente
(at biktima o underdog) ang mga tao sa lipunan. Parang nagyon ka lang
nakawitness ng engkwentro ng mga siga ah.
Yung iba pa d’yan, may mentalidad na sing-tulad
ng paparazzi. Ipagpalagay
natin na isa kang celebrity sa Hollywood at ito ang eksena: Yung taong babanggain ka o may gagawin na
kalokohan sa iyo at kinukuhaan ka ng litrato at video, at pag nasaktuhan na
nasa boiling point ka at makakagawa ng isang bagay na hindi kanais-nais
(siyempre, dala na rin ng iyong galit), e ikaw pa ang lalabas na masama at
kakasuhan ka pa ng gago. Kumusta naman ‘di ba? Na-bad press ka bigla na
wala sa oras?
Naalala ko
nga ang balita nun na ibrinoadcast sa isang morning show sa radio na may isang
pulitiko sa Estados Unidos na dapat e kontrolin ang mga galaw ng mga artista sa
Hollywood. Pero taliwas naman ang opinion ng mga DJ sa naturang palabas ukol ditto.
Dapat daw i-ban sa Hollywood ang mga paparazzi. Sila kasi ang dahilan kung
bakit pumapangit ang imahe ng isang tao.
Sabagay
para sa akin, sila din ang dahilan kung bakit napakanegatibo ang perspektibo ng
tao sa sinasabing “tunay na kulay.” Mga kung tawagin ni Ben Tulfo ay “Hao Shao” (o kung mali man
ang spelling ng aking terminolohiya, Fake Media).
Pero ano pa
ba ang magagawa natin? E uso ang mga putok sa buho na ‘to sa panahon ngayon? Naku,
kahit sabihin pa natin ang ang tatanga ng mangilan-ngilan sa kanila e wala
tayong magagawa kundi ang makisabay sa agos at matuto mabuhay sa kasalukuyan.
Yun lang, paksyet! Ang sarap, este, ang saklap, ‘di ba?
Ingat-ingat
na lang tayo sa mga kinikilos natin, dahil baka yang kupal, este, kumag na nasa
tapat mo, kinukuhaan ka na ng video at plano ka pa yatang pagtripan kung ang
gesture mo sa kalye ay parang aanga-anga pa.
Parang
preso nga lang ang feling no? Dinaig pa nila ang CCTV camera sa paggawa ng
surveillance, buti sana kung ahente sila ng otoridad (alagad ng batas ba) o ng
anumang investigative journalism program pa yan at ikaw naman ay ay ginagawang
kalokohan talaga sa lugar mo.
E paano
kung isa ka lang ordinaryong mamamayan at hindi kailanman gusto ang maging
tulad ng bida sa The Truman Show o ni maging housemate sa bahay ni Kuya?
Patay tayo
d’yan. Ingat-ingat na lang tayo!
Author:
slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!