Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 March 2013

Throwback: Betamax Sandwich Music Video


11:56 AM | 03/14/2013


(video: Sandwich - Betamas Music Video. URL: http://www.youtube.com/user/elementN27?feature=watch)

Ito ang nakakamiss sa pagiging bata. Playback tayo sa taong 2008, noong binuo ng banda ni Raimund Marasigan ang kantang nagpapaalala sa  atin ng mga alaala noong tayo’y bata pa.

Nagsilibing tributo ang kantang Betamax ng bandang Sandwich sa iba’t ibang artista sa iba’t ibang genre ng early contemporary music sa Pilipinas. Kung mapapakinggan mo ‘to ng ilang beses o mababasa mo ang lyrics nito na nakakalat lang sa internet (siyempre, i-google mo na lang yan, ‘tol), nabanggit dito ang mga pamagat ng kanta at mga pangalan na tila alamat na sa industriya ng OPM sa nakalipas na apat na dekada, kasama ang Woodstock, OPM rock, rap, disco pop, romantic ballad, mainstream pop at iba pa.


Wala pa ang mga modernong bagay noon tulad ng internet, DVD, iPOD, cellphone, cable, MP3, at ang tanging pamamraan lang para makapakinig sila ng musika ay either ang radyo o ang betamax. At tama ang linya nito sa chorus na “sa jignle magazine natutong mag-gitara.” Dahil madalas naman talaga ito ay pamamaraan ng isang tao kung gusto n’ya maging musikero nun. (Siyempre, ayon na rin sa karamihan ‘to, ano bang medaling tugtugin na isntrumento nun maliban pa sa gitara?)

Sa kabilang banda naman, ang music video nito ay naglalarawan ng samu’t saring mga laro na nilalaro ng mga bata noon. Sa ngayon, bihira na lang yata ang mga nagtutumbang-preso, patintero, Chinese garter, piko, syato, trumpo, teks, o ultimo yung “nanay tatay gusto kong tinapay, ate kuya gusto kong kape… (kayo na bahala magpatuloy niyan hehehe)”

Madalas kong pakinggan ‘to nun sa mga istasyon na tulad ng Magic 89.9 lalo na kapag Sabado o Linggo ng madaling araw (as in feel good music ba ang mga yun noon). At nadadatnan sa mga channel ng Myx at MTV (lalo na kapag yung programang After Hours n’un). Sarap lang sariwain ang mga bagay-bagay. Yun kasi ang panahon na kahit papaano e laganap ang mga music video sa mainstream media sa pamamagitan ng dalawang music television network na ‘yan e.

In fact, naging isa sa mga top songs for OPm 'to sa ilang mga istasyon na tulad ng Magic.

Wala lang. Nakakamiss din ang mga bagay-bagay noong bata ka ‘no?  Yung tipo na mga ganyan ang nilalaro mo noong bata ka pa, at mga ganyang musika ang napapakinggan ng mga nakatatanda sa iyo nun, at wala pa ang mga modernong bagay na nagsilbing pamantayan na para sa kada tao sa panahon ngayon – ang magkaroon ng “layaw” sa pamamagitan ng mga modernong bagay. ‘Yan ang tunay na panahon na “young, wild and free” ang mga tao sa mga taong din ‘yun.

Well, para sa akin lang, ha? Mas maganda pa rin kung ipapapatuloy ang daloy ng alon nun.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!