4/22/2013 10:13:08 AM
Pasadahan ko
lang ‘to ha?
Hindi ko
maimagine ang mga bata na magiging ganito ang asal sa kanilang magulang o
nakatatanda, lalo na sa upasin ng kanilang mga hinahangaan.
Minsan naiisip
ko, ganito na ba kalala ang sakit ng ilang mga malalanding fangirl sa panahon ngayon?
As in mga jejefans, nga mga jejemon na tulad nila? Aba, halos wala itong
pinagkaiba sa mga isang video na nagpapakita kung gaano sila katindi na maging
tagahanga ni Danile Padilla e. Nahiya naman ang mga fan ng PBA, NBA, WWE, UFC,
PXC at mga sikat na musikero sa panahon ngayon, noh? Grabe!
Hmmm....
hiniling mo mamatay ang erpat mo dahil hindi ka pinayagan pumunta sa event ng
Chicer? E pano kung nangyari talaga yan? I mean, pumunta ka sa event at namatay
ang erpat mo, baka pagisishan mo habang buhay yan, hija.
Ipagpapalit
mo ang tatay mo sa Chicser? Naku, wala ka pa sa tamang panahon para magsabi ng
ganyan. At baka nakalilimot ka na ang kung wala tatay mo, wala ka rin sa
mundong ito. Hindi ka rin magiging tagahanga ng chicser. At kung stupid man ang
ama mo, what more ka pa?
Naiintindihan
ko na ang Facebook ay nagsisilbing lugar para mag-vent out ng frustration ang
isang tao. Pero kapag ganun ginawa mo sisiguraduhin mo na responsible ka sa mga
sinasabi mo, lalo na’t masaydong mapanganib ang mundo ng Facebook kapag may pumansin
na sa pagrarant mo. Akala mo okay na ang lahat? Naku, asa. At kung magra-rant
ka rin lang naman, e ayus-ayusin din pag may time. Facebook kaharap mo ‘te,
hindi cellphone. At hindi na rin tanggap sa listahan ng kajologan ang jejemon,
remember? (At kalian pa naging hit yun anyway?)
And what if
pag nagpe-Facebook ang tatay mo at napansin n’ya ang mga ‘to? Goodluck sa
sandamukal na sermon at palo na darating, hija.
On the other
side, ayos din sana tong ‘post na ‘to. Kaso, alam mo kung ano ang kulang? Censorship.
Kung sa mass media, bawal ang tahasang ilantad yan lalo na kung obvbious na sa obvious
e bata yan. Dahil panigurado puputaktehin na naman ng panglalalit ang taong yan
at tiyak panibagong kaso ng cyber-bullying yan.
Kung tutuusin,
walang kasalanan ang Chicser dito. Alam mo kung sino? Yung bata na yan mismo. Masyadong
nagpadala sa mga pautot na kabaduyan ng mainstream. Kaya ayan, parang nabaliw sa
sariling kaligayahan na parang asong may rabbies na naulol sa sariling kagat.
Ayan ang
resulta. Mag-aral kasi sa halip na manood ng mga kabalastugan sa TV at
magpadala sa mga baduy na pautot ng mainstream. Tsk.
(Author's note: sinadyang inalter ang naturang litrato para na rin sa kapakananan ng naturang subject at ng awtor.)
Author:
slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!