Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 April 2013

Alaala ng Porkchop Duo

4/24/2013 3:29:14 PM 

screengrab from YouTube
Isa ito sa mga pinakatanyag na stand-up comedy sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga trip ng dalawang ‘to? Naalala ko pa nga ang pinsan ko na sandamukal ang kanyang koleksyon ng mga cassette tape, at panay itong Porkchop Duo lamang ang laman mga ito.


Sina Renato Gomez at Romy Vargas, mas kilala bilang si Porky at Choppy, ay isa sa mga alamat ng pagpapatawa. Naturingan mga ambassador ng Hatid Saya ng OWWA noong inikot nila ang halos bawat bansa sa mundo para i-entertain ang mga naho-homesick na Pinoy roon noong kalagitnaan ng dekada'70 at '80.

Bata pa lang ako noong nahilig ako sa mga ganitong jokes. Taliwas nga lang sa mala-konserbatibong pananaw at mga taong nakapaligid sa akin. Isa nga sa mga paborito kong video sa YouTube ay ang gig nila sa Remembrant Hotel na hindi ko na pinagsawaang panoorin.

Mula sa mga simpleng translation jokes hanggang sa mga greener version nito. Parang mga ‘to lang.

Q: Ano sa German ang tsokolate?
A: Vanhoutten.

Q: Ano sa Hapon ang “Is this your car?”
A: Auto-mo-to?

Q: Ano sa French ang mahilig sa sex?
A: Le-Bog!

Pati mga patawa nila sa mga karanasan sa pagbabyahe sa iba’t ibang panig ng mundo.
“Nagpunta kami sa Rome!”
Yan! Saang Rome yan?
“Rome 401, Rome 402…”

Mga pagbati lang nila sa kanilang mga ineenetrtain na audience, at mga pamabasag trip nila.
“Magandang gabi sa inyong lahat, mga kaibigan!”
Sigurado ka ba na lahat yan ay iyong mga kaibigan?
“Magandang gabi.”
Ano ba ngayon?
“Gabi.”
Hindi naman umaga. Huwag mo silang gawing tanga! Tanggalin mo yung gabi.
“Maganda!”
Pano yung mga pangit?

Isama mo na rin pala ang kanilang mga hilig nilang awitin – ang mga kanta sa mga nakalipas na dekada. (“Remember… Remember… whoa oh…” then insert 60s medley here)

Sa totoo lang, maliban pa kila Dolphy, Panchito, Berting Labra, Asado, Tabo at Timba, at sa kung sinu-sino pa’ng mga komedyante noon, iba ang Porkchop Duo pag nagdeliver ng mga stand-up punch lines at comedy lines. Parang swak sa timing. Variety ang nilalaman. As in literal, ang dami lang nilang alam na biro. Hindi lang sila pang-green jokes.

Saka sa kanila ko naalala ang ilang mga comedian na tulad ni Bitoy – napakacreative lang nila. Minsan, mapapaisip ka na lang na parang “Akalain mo naisip pa nila yun?”

Nakakatawa at nakakatuwa lang. Ang tindi lang nila.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!