5:18:23 AM | 4/5/2013 | Friday
Sa palagiang pagdaan ni Calvin sa kalye ng
Esteban Ronquillo papunta sa kanyang eskwelahan, palagi siyang tumatawid sa
pedestrian lane. Hindi niya gusto ang magjaywalk kahit medyo madalang dumaan
dun ang sasakyan. At depende nga lang sa lugar na pupuntahan nya kung
mag-jejaywalk siya o hindi.
At sa mangilan-ngailang pagkakataon, may
isang bastardong tsuper sa kanilang lugar. As in lagi lang naman siya
nagmamahneho na parang siya ang hari ng kalsada. Walang haharang, dahil tiyak
na mahi-hit and run ka kung magkataon na ikaw ay kanyang mabangga.
Pero hindi natinag ang bata sa isang
pagkakataon na kelangan niya yatang turuan ang mokong ng leksyon.
Minsan siya tumawid papunta sa nasabing
pedestrian lane. Halos palapit na siya sa center island noong napansin ang
pagharurot ng mamang drayber. Napapreno ito na bigla at tumunog ang gulong
dahil dun, sabay sikgaw ng “TANGINA! Magpapakamatay ka ba o papasok ka sa
eskwelahan?” Sabay kambyo niya sa tersera at umabante na naman na a la The Fast
and The Furious si Manong Rustico.
Nakita ito ng ibang tao, at napailing at
nagbulungan na lang na lang sila sa ginawa ng mama. Wika ng isa ay “ang yabang
ng gagong yun. Alam niya na may tatawid,
aarangkada pa na parang demonyo.” Sabay sagot naman ng isa ay, “Naku. Bakit ba
ganyan ang asal ng mga tsuper sa panahon ngayon? Nakahawak lang ng manibela,
akala mo kung sinong prominenteng nilalang kung umasta.”
Hindi lang si Calvin ang nabiktima ng
ganitong insidente. Madalas, siya pa mismo ang makapapansin. May matanda nga na
patawid papunta sa katapat na karinderya, aba’y manatakin mong sininghalan ito
ni Rustico. “Dapat sa iyo nakawheelchair e. Babagal-bagal kang tanda ka
amputa!” minsan nga ay may nakaantabay na traffic enforcer para matulungan ang
sinumang tatawid nun, at walang sinanto si Rustico. “Ayusin mo ang pagsesenyas
mo, kupal ka! Nagmamadali ako oh!”
Ilang araw at lumipas at nagkasalubong na
naman ang landas ng dalawa. Sa pagkakataong ito, gumanti na ang batang siga.
Patawid siya at sakto nama’y may
naka-antabay na isang enforcer para kontrolin ang mag pedestrian. Noong
binigyan si Calvin ng senyales para tumawid, agad niya ito ginawa. At may
umalingawngaw na ingay mula sa owner jeep ni Manong Rustico, sabay biglang
preno.
Agad siyang sumigaw, “Hoy, tarantado!
Sabihin mo lang sa akin kung magpapakamatay ka ha?! At sasagasaan talaga kita!”
Agad namang tinapik ni Calvin ang kanyang
sasakyan at winikang “Nagbabasa ka ba ng mga babala? Tumingin ka nga sa tapat
mo!” *sabay turo sa slogan na “SLOW DOWN. PEDESTRIAN CROSSING.”
“Aba, sumasagot ka pa ha!” Akmang
sasampalin ng nakatatandang gago ang bata nang dumating ang isang babae at
hinampas nito si Rustico ng kanyang baston. “Hoy! Anong gagawin mo sa kanya
ha?” Ang mga salita ay galing sa isang matandang babae na kamuntikan niyang mabundol.
Laking ulat lang ng mamang abusado. Sagot naman ni Calvin sa enforcer ay “Boss,
sa tingin ko, dapat matanggalan ng lisensya tong kumag na ‘to. Ni pagrespeto sa
lugar ng twairan e hindi yata alam nito eh.”
“Anong meron dito?” Ang paningit na sabi
ng isang barangay tanod na napadaan lang. Sabay turo ng dalri kay Manong
Rustico. “Siya po! Bastos na tsuper e. Akala mo kung sinong maangas kung
magpatakbo ng sasakyan.”
Wika ng isang bystander e, “Aba, kahit
sino yatang tatawid sa lugar e sasagasaan ng lokong yan e.”
“Oo nga! Balasubas ampucha!”
Namula sa takot si Manong Rustico. Aakma
siyang sasakay kanyang sasakyan, at haharurot paalis nang hinarang siya ng mga
tao. Bago pa man umandar ang kanyang sasakyan ay napaligiran na siya ng mga
tao.
Sabay sampa ni Calvin sa harap ng kanyang
owner at sabing “Bumaba ka d’yan! Harapin mo kami at ang kabalastugang ginagawa mo!”
Pagkatapak sa kanyang silinyador ay isang mabigat na pagtapak naman sa kanyang
sasakyan ang ginawa ni Calvin. Napahanga ang mga tao sa ginawa ng bata kahit sa
una’y tila natatakot para sa kanya.
At dahil wala na siyang kawala, bumaba ang
abusadong drayber, at biglang nagpakumbaba sa harap ng madla. Humihingi ng
kapatawaran sa kanyang mga nasungitan, basatos sa kanyang ginawa, at nangakong
hindi na uulit sa kanyang kabalastugan.
Mula noon, nagtanda si Manong Rustico. At
ang tanging nasambit lang ni Calvin ay “Aba. Mabuti naman kung ganun.”
Napatunayan na anman ng batang siga ang
kanyang angas, basta nasa tamang lugar siya, tulad ng pedestrian lane.
Author: slickmaster | (c) 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!