5:40:54 AM | 4/17/2013 | Wednesday
“Pilipino lang ako pag nanalo si Pacquiao.” – The BOBO Song,
Loonie
E pano ngayon na natalo na siya?
Ayan tayo e. Yan ang problema sa ating pagiging tagahanga sa
boxing at sobra-sobrang pagdadala ng pride.
Sa nakalipas na 4 na buwan ay 3 beses na tayo nakatanggap ng
matinding pagkatalo sa larangan ng pangpalakasan, particular sa boxing.
Pustahan, nagbago ang pananaw ng ilang mga Pinoy noong na
knock-down ni Juan Manuel Marquez ang kanyang matinding karibal na si Manny
Pacquiao. Isang matinding knockdown lang naman ang naganap. Hindi ko alam kung
dala ito ng napakataas na ekspektasyon ng karamihan sa isang pund-for-pound
king.
E paano yan, masamang resulta din ukol sa mga ibang alagad natin sa boxing ang naganap
sa nakalipas na mga linggo? Natalo si Brian “The Hawaiian Punch” Viloria laban
kay Juan Francisco Estrada. At ganun din ang sinapit ni "The Filipino Flash" Nonito Donaire nitong
nakaraang linggo lang laban kay Guillermo Rigondeaux.
Ang pinagkaiba, yung iba, gusto ng rematch. Yung iba naman ay
nangakong babangon muli at tinanggap ang pagkatalo.
At sa hanay naman ng mga tagahanga, sa sobrang dismayado
nila, panay masasakit na salita na lamang ang kanilang ibinibira laban sa mga
natalong boksingero. Panay kantyaw na lang. Echapwera na. Kung mamalas-malasin
ka pa, hindi ka pa papansinin ng media o ni walang “hero’s wlcome” na
magaganap.
Ganyan ba tayo? Kung olats, wapakels na sa kanila?
Kakantyawan na lang ba natin sila? Nakakalimot yata tayo na tao pa rin naman sila
na kahit anong lupit at galling nila sa ibabaw ng canvas, dumarating pa rin ang
panahon ng kanilang pagkabigo. Na kahit ang bigat ng kanilang pinapasan e
ginagawa pa rin nila? Para kahit papaano ay maitaguyod ang pride nating mga
Pinoy sa entablado ng boxing?
Mga saksakan rin kayo ng pagiging gago e no? Ayus-ayusin
niyo nga ang pagsasalugar ng pride at pagiging panatiko niyo.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!