Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 April 2013

Ang Problema sa Usaping Ratings: Be Careful With My Heart vs. Eat Bulaga


5:34:36 AM | 4/12/2013 | Friday

Maikiling pasada lang.

Sinasabing naungusan ng isang teleserye ang batikang noontime show kung ratings ang usapan. Hmm, ganun?

Pero sa tingin ko, hindi porket lamang ka na sa ratings e ibig sabihin ay maganda talaga ang programa mo.


Don’t get me wrong, ha? Hindi ako fan ng either Eat Bulaga o Be Careful With My Heart. In fact, magagaling na programa ang mga yan sa kani-kanilang larangan. At least, ‘di ba? Ang BCWMH ang tila natitirang matinong teleserye a panahon ngayon. Yun nga lang, wrong timing kasi kelangan yata na magpreno ang mga tao sa kanilang mga trabaho para lang mapanood ‘to (sabagay, kaya nga minove siya sa noontime slot ‘di ba, maliban pa sa pagtatangkang pag-compete nito sa longest-running noontime variety show na isa naming blocktimer sa Syete).

Marami nang kumalaban sa Eat Bulaga mula noong nalipat ito sa GMA 7. Andyan ang mga Isang Linggo nAPO Sila, Magandang Tanghali Bayan, Wowowee, Pilipinas Win na Win,at kahit ang It’s Showtime (by which e dalawang programa lang yata ang nagtagumpay na lumamang sa kanila pagdating sa ratings).

Pero para husgahan na natalo ng BCWMH ang EB sa ratings? Ang babaw naman yata nun. Masyadong showbiz Ang sa lagay ba e ratings na lamang ba ang basehan kung maganda ang isang programa o hindi? Siguro, kung money talks. Pero content-wise, at over-all speaking eh… kaduda-duda yata ang argurmentong yan.

Saka isa pa, hindi naman sila sabay umere e. At isa pa, para sa ikatatahimik ng mga tsismoso at tsismosang palaka sa lipunang ito, si Yaya Maya na ang nagsalita mismo:
                
“Mataas at malaki po ang respeto namin sa “Eat Bulaga” kasi institusyon naman na talaga sila. Napatunayan na rin nila na may mga show na dumating at nawala, pero sila nandoon pa rin,”
“Huwag po nating gawing kumpetisyon ito. Alam din po naman namin kung saan kami lulugar,”
O ano, may dapat pang pagtalunan pa? Kaya sa totoo lang, hindi na kelangan gawing big deal ang usaping Be Careful With My Heart at Eat Bulaga, dahil hindi naman talaga sila kelangang ikumpara sa isa’t isa. Mababaw lang talaga ang mga manunood sa panahon ngayon. Pambihira.

Sources:
author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!