6:44:27 AM | 4/4/2013 | Thursday
“Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina. Hindi lahat
ng malakas, palaging malakas. Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina. Mata
mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam.”
Hindi ko mawari kung paano ako nabighani sa
boses ni Zia Quizon sa pagkanta ng chorus part ng kantang ito. Pero mas
namangha ako sa mensaheng dala ng mga rap ni Gloc-9. Naglalarawan ng mga
masasalimuot na karanasan ng isang batang tahasanag nilalait, inaalipusta, o
sinisindak ng kapwa niyang kamag-aral. Kung ano ang epekto nito sa kanyang
buhay, at pakikitungo sa tao. Sa sobrang lakas lang ng pangtitrip sa kanya, ito
ay maituturing na isang kaso ng bullying.
Basta ang alam ko lang ay may matitiding
mensahe ang nilalaman ng kantang ito. Parang pakikibaka ba? Oo, pero isang
matinding hakbang laban sa hindi matapos-tapos na pakikidigma sa kaso ng
paninindak.
Nagsama ang dalawa para sa isang awitin na
may pinaparating na mensahe mula sa isang organisasyon na may adbokasiyang
labanan ang pangbubully.
Ang kantang “Katulad ng Iba” ay ginawa ni
Aristotle Pollisco para sa anti-bullying na kampanya ng Not In Our School. Laganap ang kaso ng
bullying sa eskwelahan, karaniwan ang tinatamaan dito ay ang mag bata.
Nagdudulot ito ng matinding danyos o pagkasira sa isang tao. Hindi lang sa
pisikal na aspeto, kundi sa moralidad at sikolohikal na parte ng ating buhay.
Sadyang ang tindi lang ng mensahe nito.
Lalo na para sa isa sa mga biktima ng pangbubully na tulad ko. Oo, nakakarelate
lang talaga ako.
Huwag tayong magsiwalang-kibo. Tulungan
natin ang mga naapi. Enough is enough, ika nga.
“Tayo’y maging
mapagmasid, tulungan natin sila. Huwag tayong maging manhid na katulad ng iba.”
Mapapanood ang music video nito sa YouTube channel
ng Universal records.
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!