Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 April 2013

Breakup on TV


1:43:35 PM | 4/18/2013 | Thursday

Pasadahan ko lang ‘to ano? Kalat na kalat sa balita ngayon ang usaping ito. Isang beauty queen ang nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend, at may kinalaman diumano ang bokalista ng isang banda na kamakailanlang ay nagtanghal dito sa Pilipinas.

Si Janine Tugunon, ang Miss Universe 2012 runner-up at ang kanyang boyfriend na si Jaypee Santos ay nagsapubliko ng kanilang break-up sa pamamagitan ng TV show na Kris TV. At ang pinakadahilan ng lahat? Nameet lang naman ni Janine ang bokalista ng bandang The Script na si Danny O’Donoughe at diumano na nililigawan ng naturang bokalista ang beauty queen, bagay naman na pinabulaanan nito. In fact, hindi nga naman niya type. Kwentuhan lang at pag-follow at follow back sa Twitter lang ang mas napag-usapan.


My gosh. Dapat ba talaga i-broadcast sa  National TV ang mga ganitong bagay? Alam ko, walang masama sa pagiging open sa mga nangyayari sa inyong relasyon pero may mga bagay kasi sa relayson na dapat ay hindi na isinasapubliko, tulad ng mga ‘to. Nakakaoffend kaya yun sa parte ng mga lalake, no? Simpleng akto ng humiliation ang naganap. Pamamahiya, bagsak ang ego ng lolo mo.

Teka, isama mo na pala ang pagiging curious at tsisimosa ng mga host. Pambihira naman oh. Lumaki ang isyu na tila nagging isang mababaw na national item na naman ito. Palibhasa tinatangkilik ng mga masang mahihilig sa tsismis ang mga tulad nito. Naku naman oh.

Kaya ngayon, hindi rin masisi ang taumbayan sa paghuhusga kay Janine dahil sa nangyari, ke napaopod man nila ang eksaktong pangyayari sa TV at YouTube o hindi man. Mali rin kasi n’ya e. Ang dating tuloy e naging kawawa naman tong si Jaypee. Kumusta naman ‘di ba?

No disrespect, pero mukhang akting lang ang lahat ng nasa video. Parang nakakawindang lang noong pinapanood ko yun. Show-off ang peg? Well, may kwento pa rin naman na planong ayusin ng dalawa ang relasyon e.

Naku, kung nagkataon na isinapubliko nila ang break-up nila at nagkaayos din afterwrards, nakakahiya pa rin. Halos wala itong pinagkaiba sa pagpapalit ng relationship status sa Facebook nang dahil sa napakababaw na away, pero noong nakipag-ayos kinabukasan, balik “in a relationship/engaed/married” status din. Anak ng pating, kaya pumapangit ang imahe ng pag-ibig dahil sa mga ‘to e.

Well, bahala na lang kayo d’yan. Hayaan na natin sila ang magwork-out sa development ng mga kaganapan sa relasyon nila.

Video:

Sources:

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!