Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 April 2013

BUWIS-IT

4/15/2013 12:40:43 PM

Ngayon nakatakda ang huling araw para sa sinumang mangggagawang Pinoy na magbayad ng buwis.

Okay, ano naman ngayon? 


Aba, huwag kang mang-aaangal ng ganyan lalo na kung palamunin ka lang sa mata ng lipunan at ng pamahalaan. Dalawa ang posibleng mangyari kung hindi ka magbabayad ng buwis: either makasuhan ka ng tax evasion, o mas malala kahit hindi siya saklaw ng batas at karapatang pantao – WALA KANG KARAPATANG MAGREKLAMO SA ANUMANG ANOMALYA SA GOBYERNO.



Oo, kahit nasa demokratikong bansa pa tayo. May gana kang magngawa pero wala kang ginawang kapaki-pakinabang para sa bayan mo? 



Ulol. Lokohin mo ang lelong mong panot. Wala talaga.

Bakit naman ganun?
Tulad lang yan ng kasabihan pagdating sa serbisyo – “you get what you pay for.” Kung ano ang pinaghirapan mo, yun din dapat ang makuha mong bilang pambayad. Dahil ang buwis ang siyang nagsisilbing lifeblood ng gobryerno para makapaglingkod sa atin. Parang advertising sa mga paborito mong palabas sa media.

Maliban pa yan sa sinabi ni Benjamin Franklin na “Sa buhay na ito, dalawa lang ang hindi natin kayang iwasan – ang kamatayan, at ang buwis.” Sa tindi lang ng katotohanan, mabilis sa pagsingilan ng buwis ang gobyerno; yan ay kahit ilang limpak na beses pa silang pumalpak sa ibang bagay. Basta, huwag lang sa buwis.

Pero, pero, pero... saan nga ba napupunta ang buwis natin? Sa mga proyekto ng gobyerno, ganun sana kasimple. Oo, sana ganun lang sila kasimple. Paano ka naman kasi gaganahan magbayad kung isa ka ngang taxpayer, pero hindi mo naman nararamdaman ang epekto ng binayad mo? Kung papaniwalaan ang aking narinig sa programa ni JV Arcena kaninang madaling-araw, na ayon sa isa sa mga nakasabay niya sa eroplano papuntang Iloilo na isang empleyado ng isang pharmaceutical company, tila mas nakikinabang pa daw ang mga nasa ibabang klase o lower class sa mga binayad nila kesa sa kanila mismo na nasa middle class. Ganun? Sabagay, may punto nga naman ang kanyang sentimiyento. Silang nasa mababa ang estado ng buhay ang may Conditional Cash Transfer program, sila lang ang may 4Ps; habang ang mga nagtatrabaho para kumita at maisalba ang kanilang pamilya? Lugmok na, kulang na lang e magmukmok pa. Mapapabira na lang ng isang antigong linya mula kay Frooztreitted Hoemmizyd na “SHIT! Ang saya, ‘di ba?”

At mas hindi rin nakakaganang magbayad kung ang makikita mo sa mga billboard ng kada proyekto ay ang mukha ng pulitko at ang mga salitang “Mula kay (name of politician).” Akala ng mga ungas na ‘to ay pera nila ang ginasta para d’yan e no? Dahil sila ang representante ng bayan mo? Hindi rin sapat ng ganung dahilan e. Bakit mo aakuhin ang isang proyekto kung simula’t sapul pa lang e buwis at buwis lang ang pondo para d’yan. At saan ba nangggagaling ang buwis? Sa taumbayan din, ‘di ba?

Anak ng pating. Nakaka-BUWIS-it lang.

O, ito. Paanoorin mo na lang para matuto ka rin. Mula sa Word Of The Lourd noong 2012, ang Death and Taxes episode.



(This article was also published at the community blog site Definitely Filipino dated April 14 ,2013 (Time zone may varied). URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/04/14/buwis-it/)


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!