5:15:07 AM | 4/17/2013 | Wednesday
Isa sa mga epektibong stratehiya sa panahon ng
pangangampanya ang mga “campaign jingle.” Mas matindi ang mga salita sa lyrics,
mas orihinal ang musika, mas epektibo (o kung hindi man, mas malaki ang tsansa
na manalo) at mas tatatak sa isipan ng tao. Parang tulad lang ng kanta ni Manny
Villar nun. Kung maalala n’yo ang campaign jingle ng presidential candidate na
si Villar, ang mga linyang “nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?” ang isa sa
mga nagpatatak sa 2010 elections kung campaign jingles lang naman ang usapan.
Pero paano kung ihahalaw ang mga ito sa mga sikat na kanta?
Naalala ko nun na ipinagbawal ng COMELEC ang pinakasikat na kanta sa balat ng
lupa na Gangnam Style ng Psy bilang campaign jingle ng mga tatakbong kandidato
sa darating na 2013 elections.
Pero ang tanong, nasusunod ba ‘to? Well, tignan na lang
natin. Malihis tayo ng usapan (konting lihis ba).
At may mga sikat na kanta na ginagamit ng mga kandidato.
Ayon sa aking impormante, sa lokal na eleksyon sa bayan ng Montalban, Rizal,
ang ilan sa mga patok na kanta nitong 2012, ang mga kantang tulad ng Call Me
Maybe at Pusong Bato (anak ng pating, pati pa naman ‘to? nababato na ako sa
kantang ‘to e) ay nilapatan ng mga panibagong letra para gawing campaign
jingle.
Pati nga yata Harlem Shake e kasama dun (Ano yan? Magpapaparty-party mode ang kampanya pag yan ang ipinapatugtog?).
At hindi na ako magtataka kung sa ibang mga bayan at
lalawigan sa Pilipinas ay ginagamit ang ganitong pamamaraan.
Iilang bagay lang ang naiisip ko sa aking pag-aanalisa. Una,
may creativity nga sa salita. Pero bilang kabuuan, hindi ito ganun ka-creative
dahil sa wala ito sa originality pagdating sa himig at ritmo. May mga sablay na
parte.
Pangalawa, dahil malapit ang mga kantang ito sa masa, hindi
na ako magtataka. Same approach lang ba tulad ng mga orihinal na mang-aawit na
‘to.
Iba pa rin ang orig, ke sikat man ang kompositor nito o
tropa ng kandidato ang gumawa. At ang mga pop novelty hits na ginawang campaign
jingles? Unless tumugma talaga ang mga salitang nilapat sa mismong musika o
tune nito, e masasabi ko na ‘yan ang pinakalaos na parte ng musika sa panahon
ng pangangampanya. Oo, be real. Be original naman.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!