Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 April 2013

First Quarter Storm - 1


3:38:39 PM | 4/2/2013 | Tuesday

Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita n hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)


Ang shootout sa Atimonan, Quezon na humantong sa mala-sirkong anggulo ng rubout, shootout at ambush. Sa sobrang dami lang ng twist, e hinid na siya interesadong panoorin. Kahit magsalpukan pa ang alagad ng hustisya at ang alagad ng karapatang pantao dyan
.
Ang pagresign ng Santo Papa. Mainit na usapin ‘to sa Simabahng Katolika dahil first time sa modernong panahon ito naganap. Limang taon mula noong nahirang si Joseph Ratzinger, bilang Pope Benedict XVI, nagbitiw ito sa pwesto. Hmm, ano kayng dahilan? Hindi nakayanan ang mga usaping relihiyon-labanbn-sa-makamundong-bagay ngayon? Samhan pa ng kanyang Twitter account? Akala ng madla na hindi pwedeng mangyari yun? Pwede kaya, at ang dahilan ay may kinalaman sa kanyang kalusugan. Well, ganun? Get well soon po, Father. At pahabol sa balitang yan ang kauna-unahang nahirang na liderato ng Simbahan na nagmula pa sa kontinente ng Katimugang Amerika.

Ang pagsasadsad ng isang Navy Ship ng US sa Tubbataha  Reef.  Usaping kalikasan ‘to, at ang kalaban ay ang isang malaking bansa (superpower country ba). Napakumento pa si Donal Trump Jr. dito at pinutakte na naman ng Pinoy ito sa numero unong cyberwarfare arena sa mundo – ang Twitter. Naku, iisa lang ang mundo natin, at hindi kayang palitan ng salpi ang halaga ng nasira d’yan.

Aman Futures scam. Hindi na bago ang ganitong balita. Pyuramiding scam na naman. Bakit ba kasi ang daming nagpapadala sa mga investment kahit hindi naman katiyakan kung lehitimo ang kumpanyang nag-aalok ng investment? O sadya lang tayo madaling masilaw sa pera.  Kaya ayan tuloy, naghahabol tayo sa kaisa-isang dorobo na nasa ibang lupalop.

Ang nakawan sa SM Megamall. Aba, paano nangyari yun? Panibagong big blow na naman ito na kung tawagin ay “security lapse.” Mautak din kasi ang mga kawatan e. Bumili daw sa isang stall ng hardware dun ng mga ginamit sa naturang krimen. Pero kung kelan may naganap na ganito, saka lang kayo maghihigpit? Tapos pag namatay na namn ang isyu ay lalmya na naman ang inspeksyon?

Ang bangayan sa Senado, mula kay Manong Johnny at Alan Peter Cayetano, hanggang sa baklang laban nila Miriam Defensor Santiago at Panfilo Lacson, hanggang sa usaping cash advance sa pagitan nila Santiago at Enrile. Naku, political dramatic warfare na naman? Alam ko makuykulay ang mga punto at salita ng mga senador, pero wala kaming pakialam kung walang utang na loob ang isa dyan, o kung bakla ang isang mambabatas d’yan. Pero may pakialam kami sa perang ginagasta ng Senado. Kung atupagin na lang kaya ng mga ‘to ang gumawa ng batas at mag-imbestiga sa anomalya, no?

Ang sablay na interview ni Ricky Lo kay Anne Hathaway. Naiintindihan ko na trabaho ito ng batikang manunulat sa showbiz. Pero kung ganun lang din namn ang mga tanong mo, kapos pa yata sa pagreresearch ng interviewer sa kanyang interviewee (isama mo na ang pagpapayat diumano ni Hathaway na ayaw na away na niyang italakay pa sa media)? Naku, patay kang bata, este, beterano ka.
Marami pang hahgupit. Antabay lang kayo, mga ‘tol. For the meantime, libre ang maglagay ng mga kumento niyo ukol sa isyu na iyun at ang mga suhestiyon niyo na pwede kong talakayain at bigyan ng kuro-kuro.

First Quarter Storm (Ang Mga Tirada Ni Slickmaster Sa Mga Balita Sa Unang Tatlong Buwan Ng Taong 2013) PART 1.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions 

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!