4:43:09 PM
| 4/2/2013 | Tuesday
Sa
nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga
balita na hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada
ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong
buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)
Salpukang Erap
Estrada versus Alfredo Lim. Dating Presidente ng bansa laban sa isang
alkalde ng kabisera nito. Asiong Salonga versus Dirty Harry, na ang kanilang pakikipag-duelo
sa isa’t isa ay humantong sa isang morning show sa national TV, at hindi pa
natapos ang patutsadahan nang nagkabanggaan sila sa isang forum sa lungsod ng
Maynila. Nakakaaliw nga ang kanilang away mula sa usaping serbosyo hanggang sa
kasaysayan ng pamumulitika nila hanggang sa kanilang mga personal na tirada. Kaso…
yun lang yun? Sa malalimang perspektibo kasi e para silang mga batang
nag-aasaran (yung mga grade 1 pupil sa eskwelahan ba). Yun lang, ang corny na.
pwede ba, huwag niyo naman gawing tanga ang mga Manilenyo sa asaran niyong
dalawa?
Laglagan sa
senatorial race. Ayan kasi, parang mga balimbing ang mga ewan.
Premature campaigning.
Pucha, may bago pa ba? Sa sobrang uso niyan, nakakaumay na kaya. Samahan mo pa
ng kanilang mga epal poster na tahasang lumalabag sa isang norm nating mga
Pinoy na kung tawagin ay “delicadesa.”
Ang pagkamatay ni
Lolong. Nakalulungkot lang isipin na ang pinakamalaking buwaya sa mundo
ay pumanaw na, kahit hindi naman talaga siya big deal sa headlines. Pero sa
kabilang banda, bakit yung mga ibang buwaya sa lipunan, hindi matablan-tablan
ng talim ni Kamatayan? O hindi marunong magtanda sa mga karamang natamo mula sa
mga kalokohan nila?
Room Nurse comment
ni Cynthia Villar. Nakakadegrade lang sa parte ng mga nurse ‘to. Buti na
lang nag-sorry na ang lola mo. Pero damage has been done e. Next time,
iwas-iwas din kasi sa mga tinatawag na “generalization statement.”
Sigalot sa Sabah.
Grabe, after 45 years, ngayon lang napag-usapan ‘to? Panibagong (weh?) agtatalo
sa teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa. Pero minsan mas masisi ko
pa sa usaping ‘to ang mananakop ng bansang Malaysia nun. Kung hindi sila
umepal, baka dapat mas naisaayos ‘to.
Ang pamamahiya ni
Willie Revillame on-air. Simple lang: “You don’t do that to your
audience” (sila lang. hindi naman ako nanunood niyan e). Tsaka may bago pa ba
sa mga asal niya sa ere? Tsk, tsk, tsk.
Ang panankal ng
dating import sa kanyang kakampi. First time ito naganap sa kasaysayan
ng PBA. Kung off-the-court ‘to, hindi maisasapubliko ‘to. Sa sobrang intensed
lang ng pangyayari, nagtrend ito sa Twitter,
naging laman ng Yahoo! Sports NBA portion (dahil dating NBA player si
Renaldo Balkman, ang tinaguriang Balkmanimal-slash-Balkmananakal). Nagkapatawaran
naman sila ng kanyang kakampi sa Petron Blaze Boosters na si Arwind Santos. Kaso,
hindi kumbinsido si Kume Chito Salud. Sinasabing may sapi daw talag si Balkman
dahil sa minsa’y nagheadbutt siya sa kalabang taga-Puerto Rico. Patay tayo d’yan.
Galling sana nito ni Balkman oh. Yan lang ang kumitil sa karera niya sa Pinas.
Marami pang
hahgupit. Antabay lang kayo, mga ‘tol. For the meantime, libre ang maglagay ng
mga kumento niyo ukol sa isyu na iyun at ang mga suhestiyon niyo na pwede kong
talakayain at bigyan ng kuro-kuro.
First Quarter Storm (Ang Mga Tirada Ni Slickmaster Sa Mga Balita Sa Unang Tatlong Buwan Ng Taong 2013) PART 2.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!