Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 April 2013

First Quarter Storm - 3


5:27:20 PM | 4/2/2013

Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita na hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)


War of the Koreans. North versus South. Ang tanong…. maliban pa sa pagrerepatriate n gating mga kababayan dun, eh ano ngayon? Away nila yan e. Ang ipinalanganin na lang natin ay ang mga kaalyado nila – na awatin ang dalawang ‘to sa halip na lumala pa ang tensyon. After all, yan naman ang hiling natin twing Pasko ‘di ba? Ang kapayapaan sa buong mundo.

Ang daming nataman ng ligaw na bala noong bagong taon. May nakaligtas mula sa kapahamakan, mayroon din namang hindi pinalad dahil siya ay napatay. Sa isang magulong lugar sa Caloocan ito naganap, at ang biktima? Si Stephanie Nicole Ella. Ito kasing mga gagong ‘to, alam na ngang bawal at alam na nga na may mapaphamk, sige pa rin. Wal na akong balita kung nabigyan ba ng katarungan ang kanyang pagkamatay.

May gun ban nga, e ano ngayon? Wala pa rin e. Andyan pa rin ang mga riding in tandem. May nagaganap pa rin na karahasan sa lipunan. Baka nga hindi pa nito mapakalma-kalma ang mga election hot spots e. Ayun lang.

Naalala ko bigla yung bumagsak na asteroid sa Russia. Nakakatakot ‘di ba? Pero huwag mong isipin na end of the world agad yan.

Chiz Escudero versus the parents of Heart Evangelista. Parang tipikal na conflict lang sa pagitan ng anak, ang magulang nito at ang kanyang boyfriend. Hindi nab ago ang ganito. Nagkataon lang na naisapubliko ang ganito dahil ang mga sangkot na personalidad ay ang isang artista at isang pulitiko, pareho silang prominenteng personalidad. Pero away sa lovelife ba in general, ukol sa asta ni Chiz o dahil sa hindi pa putol ang kasal nito sa kanyang asawa? Pwede niyo naman siguro yan talakayin sa isang pribadong lugar, ‘di ba? Anak ng pating naman oh.

Kris Aquino versus James Yap plus the excessive “over-publicity.” Wala akong pakialam kung ano ang away niyong dalawa, kung bakit dapat andyan ang mga kapatid mo o involve ang anak mo. Ang sa akin at sa amin lang, talk about that in private. Mantakin mo’y naka-consume ng kalahating oras o kalahating parte na ng TV patrol ang interview na yan ni Manong Ted sa kanya? Mantakin mo’y naging trending ang mga post na may kinalamn sa isyung ito sa ilang mga blog sites? Pwede ba tigil-tigilan na natin ang pakikialam sa mga usapin sa showbiz? At wag tangkilikin ang mga programa na ginagawang national item ang mga showbiz issues? Pucha, kaurat lang e. Saka pustahan, noong nagdie-down ang isyung yan, die-down din ang mga binitawang statement ni Tetay. Pero hindi pa rin tumigil dun ang mga kababwan ng mga Pinoy. Tsk, tsk, tsk.

Pero good news naman sa ating bansa e maganda ang ekonomiya ng bansa. Na-upgrade ang credit limit, nagging magandang lugar ang Pilipinas para mamuhunan, pero yun nga lang –  hindi naman ito maramdaman ng  mayorya. E paano naman kasi, ang taas pa rin ng presyo ng gasoline at ang mga pangunahin bilihin. May bago pa ba sa mga ‘to? Still, magandang setp ‘to para sa bansa na umangat pa.

Ito pahabol, sobrang trending kasi nito e. Ang craze na Harlem Shake? Asus, magtrabaho na langf kayo, parang mga kenkoy naman kung sumayaw ‘tong mga ‘to e.

Salamat kila Pareng Google bilang gabay sa king paghahanap ng mga paksa. Also, sa blog ni Professional Heckler na isa sa aking mga paboritong babsahin sa internet ukol sa mga usaping pulitika.

Pwedeng ma-extend ang aking First Quarter Storm kung gugustuhin ko lang, at kung gugustuhin mo rin. Kaya libre ang maglagay ng mga kumento niyo ukol sa isyu na iyun at ang mga suhestiyon niyo na pwede kong talakayain at bigyan ng kuro-kuro.

Marami pang hahgupit. Antabay lang kayo, mga ‘tol. 


First Quarter Storm (Ang Mga Tirada Ni Slickmaster Sa Mga Balita Sa Unang Tatlong Buwan Ng Taong 2013) PART 3.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!