4:46:09 PM |
4/4/2013 | Thursday
Ano ang mga in na balita? Alin naman
din ang mga wlaang kaato-atorya? At sa aking pagratsada muli, narito ang aking
pasada ng mga tirada sa ika-apat na installment ng aking pinamagatang First
Quarter Storm.
Isang babae ang nagpakamatay nang
dahil sa kinapos siya sa kanyang pangmatirkula. Nakababaliw at nakalulungkot lang
isipin no? Ganyan talaga ang kapangyarihan ng salapi. Kaya nitong kitilan ang
pag-aaral at pati ang buhay mo kung wala ka nito.
Import na kinulong dahil nanapak ng
pulis. Yan ang
patunay na kaya tayong sindakin ng mga higante kahit alagad pa tayo ng batas.
Naalala njiyo pa ba ang ginawa ni Robert Carabuena kay Saturnino Fabros? Halos
ganito rin yun. At bakit tila naiinvolved ang mga dayong manlalaro sa mga balitang
hindi naman nila dapat linya at kasangkutan no?
Sunog na Upuan. Hoy mga damuhong nilalang, ang
taumbayan ang nagbabayad niyan. Nakakalimot yata tong mga ‘to na nasa isang
state university sila ah. Pero sa kabilang banda, ito lang din ang tanging
maikikilos nila para lang mapukaw ang atensyon ng nasa itaas. Paano ka nga
naman kung kinakapos ka na nga sa matirkula mo, tapos tataas pa ang tuition mo.
Naknampucha naman. Hirap timbangin no?
Isang panukala na dapat daw ituro sa
mga paaralan ang mga karahasang naganap noong rehimeng Marcos. Ganun? Bakit tila one-sided naman
yata ang adhikain ng panukalang ito? Alam ko na nakasusuklam ang ginawa ng
pamahalaan ni Macoy nun. Pero hindi pa ba sapat yun? Sabagay, may dalawang
mukha kasi ang mga kaganapan nun, depende kung kanino ka papanig o kung paano
mo titimbangin ang m,ga pangyayari. Pero tila mabibilang lang yata sa daliri
ang mga pahinang nakasaaad ang mga
kagalingan ng dating Pangulo noon kesa sa mala-nobelang usapan ng karahasan.
Ang mga senswal o senswal kuno na
eksena sa mga pang-Linggo ng tanghali na variety show, mula sa numero nila Lovi Poe at Roco
Naccino sa Party Pilipinas ng GMA 7 hanggang sa damit ni Anne Curtis sa ASAP ng
ABS-CBN. Nabuhay na naman ang usapin ng gender sensitivity sa media. Tama yan.
At anong pinagsasabing hindi matured ang mga nagreact na audience sa aksyon na
ito ng MTRCB? Tanga! Ang mga lugar sa mga naturang akto ay nilalagay sa lugar.
Oo, wala ngang bastos sa taong open-minded. At ang pagiging open-minded ay may
kaakibat na pag-iisip na ilagay sa tama ang dapat.
Nagreklamo ang ilang organisasyon ng
media sa ilang pamantayan ng Comelec sa pag-ere ng mga campaign material. E paano nga naman, malulugi din sila
e. Pero sa kabilang banda, ang matutuwa lang naman d’yan ay ang mga manunood na
tilang sawang-sawa na sa mga pagmumukha nila.
Team Patay at Team Buhay. E kung mag-move on na lang tayo sa
RH Law? Pero sa malamang, sa darating na Hunyo, mabubuhay ulit ang usapin na ‘yan
dahil sa isang utos ng Korte Suprema na nagpapatigil sa implementasyon nito.
Speaking of
implementasyon, indefinitely ang desisyon sa pinakahuling Temporary Restraining
Order ng Supreme Court ukol sa
pinakakontrobersyal na Cybercrime Law. Ayan, nagbunyi na naman ang taumbayan.
Yun nga lang, paano na nga lang mareresolba ang mga kaso na may kinalaman sa
internet nito? Ang dami pa naming mga siraulo’t mga gago sa cyberspace?
Kanya-kanya silang gimik ngayong
eleksyon. Ang
problema, kung labag nga naman ito, ano naman ang magagawa… ng otoridad? Tsk. Hindi
na kaya bago ‘to.
Nahuli si Isko Moreno sa isang
pasugalan sa Maynila. Sa panig ni Mayor Lim, sinusunod lang ng mga pulis ang batas. Sa kabila
naman, politically motivated. Naku, ewan ko sa inyo. Bahala kayo d’yan!
Offending religious feelings. Aba,
akalain mo meron pala nun? Oo, magbasa ka kasi ng revised penal code. Pero kung si
Carlos Celdran ay nakasuhan ng offending religious feelings, e dapat kasuhan
din ang mga alagad ng simbahan na umaabuso sa kanilang mga kababayan. Samahan
mo na yung mga taong mahihilig mangutya ng relihiyon ng iba. Yung mga mokong na
nagbabanal-banalan kuno na hindi naman yata alam ang salitang respeto.
Marami pang hahgupit. Antabay lang kayo, mga ‘tol.
Part 1: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/first-quarter-storm-1.html
Part 2: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/first-quarter-storm-2.html
Part 3: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/first-quarter-storm-3.html
First Quarter
Storm (Ang Mga Tirada Ni Slickmaster Sa Mga Balita Sa Unang Tatlong Buwan Ng
Taong 2013) PART 4.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!