27 April 2013

Goodbye, Multiply.


5:48:06 AM | 4/27/2013 | Saturday

Hindi ito usaping a la 187 Mobstaz na “We don’t die, we multiply.”

Literal, magbaba-bye na ang isang dating social networking (at sa nagyon ay isa na siyang marketplace) website na Multiply. Kung maalala n’yo, isa sa mga pinakapatok na website ang Multiply dahil sa samu’t saring mga feature nito.


Kung personalan lang ang usapan, isa ito sa mga naging avenue para sa akin na i-upload at i-store ang aking mga litrato sa eksakto o full size na format. Sa mga tulad ng Friendster at Facebook kasi e narereduce ang file size at resolution ng mga litrato kaya nakakpagalangan lang magdownload para maretrieve ang mga yun kung sakali.

Sa Multiply rin ang isa sa mga naging kagamitan at pamamaraan ko pagdating sa pagsusulat ko (lalo na noong nagsisimula ulit ako nun sa pagba-blog). Dito ko nga isinulat ang isa sa mga pinakapatok na blog entry ko sa personal na blogsite na “Review: FlipTop – Dello vs. Target.” Sayang nga lang at hindi ko na siya maretrieve sa ngayon.

Hindi lang siya isang social networking site para sa akin. Mas personalized siya, actually. Ikaw bahala mag-customize ng sarili mong lay-out. At dito rin nagsimula ang ilang mga online shop, bagay na hindi mo magawa sa mga tulad ng MySpace, hi5 at ultimo ang Friendster.

Magsha-shut down na naman ang Multiply? Teka, nangyari na ‘to noong 2012 ha? Oo, noong nagreformat sila, kasi mula sa social networking ay naging isang business-related na marketplace na ang site na ‘yan. Malas nga lang ang ilang mga users doon na hindi na na-retrieve ang kani-kanilang mga litrato, video, notes (o blog entries), mp3 at iba pa. (aray ko po)

Pero sa darating na Mayo a-6, o limang buwan mula noong nagreformat sila ay tuluyan nang magsha-shut down ang website na Multiply at titigil na ang lahat ng mga transaksyon na may kinalaman sa naturang website sa katapusan ng buwan na iyun.

Na naman? Oo, na naman. Kung sa bagay, hindi yata nila nakayanan ang pagiging sobrang stiff ng kumpetisyon sa mga websites, patikular sa mga aspeto ng social networking at e-commerce.

Sa kabilang banda kasi, matinding karibal nila ang Facebook at kaya nga bumigay na rin ang pinaka-pioneer na Friendster noong Mayo 31, 2011 di ba? At ang mga site tulad ng sulit.com.ph naman ang nagging matinding kalaban nila sa larangan ng e-marketplace.

Kaya hindi na rin kataka-taka ang nangyari sa Multiply. Pero yan ay sa Pilipinas pa lang. Anyare kaya sa Multiply sa Indonesia? Hmmm…

Para maintindihan ang naturang anunsyo, basahin ang kanilang announcement sa http://multiply.com/announcement

Naku, goodbye for good (?) na nga talaga ito. Boo!

Siguro, this is it na nga. Goodbye, Multiply. (*sniff, sniff*; teary-eyed)

Pero  bago ang lahat, pahabol na pasakalye lang. Sa malamang, magmumultiply pa rin (in terms of number) ang mga online shops. Well, goodluck, cyber-entrepreneurs. Sarado na po ang tindahan, este, ang cyber-mall mamaya.

Sources:
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.