Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 April 2013

Paalala Mula Sa Isang Tunay Na Internet Gangster (rated SPG)


10:37:23 AM | 4/14/2013 | Sunday

Babala: Ang tema ng blog post na ito ay napaka-bayolente at ang mga masasapul sa sulatin na ‘to at titira pabalik sa awtor ay malamang, mga hindi maka-amin sa mga kabobohan nila. At lalo na huwag mong seseryosohin ang mga nakasaaad, dahil hindi naman talaga galit ang may-akda. Sinasabi ko lang, baka madala ka bigla e.

“Gangster ka? Mukha mo, iba na lang lokohin mo. Matapang ka lang ‘pag hawak mo ang PC mo e.”

Paalala lang sa mga nagpapaka-mangmang na tao sa YouTube, Twitter at Facebook. Mga taong ang aangas pero nagtatanga-tangahan naman d’yan. Mga taong nagtatapang-tapangan d’yan pero nagtatago naman sa hindi mo maintindihang mga pangalan at sa halatang trollface na larawan. Mga gagong umaagaw ng atensyon mula sa mga bagay na dapat mag-trend, pero kapag may may nag-rant na taliwas sa kanila, akala mo kung sinong superhero kung makipagdigma, dumepensa, at mang-bash.

Hindi porket may computer at internet ka ay magmamatapang ka na. Hindi kami (at lalo na hindi ako) gago para maniwala sa mga salita mong mababaho na sinamahan mo pa ng litrato mong mukhang paa (ay mukha pala yan? Bakit ang dami yatang kalyo at paltos?).  

Iba ang pagiging tunay na gangster sa mga tinatawag na internet gangster, na parang kinumpara ang utak mo sa utak ng isang bobo, tanga at ignorante. Alam ko na hindi ka ganun, kaya huwag kang magpanggap na isang asal-bobong nilalang. Dahil hindi ka sisikat sa pagiging matapang, bagkus ay nakakaawa ka dahil sa umiikot ang mundo mo sa pagiging katamaran mula sa pagpasok sa eskwela, palamunin at sa tambay sa mga tulad ng computer shop.

Hindi nabuo ang mga sites sa world wide web na tulad ng YouTube Facebook, at Twitter, para sa hindi sibilisadong nilalang na tulad mo. Lalo na kung baduy na jejemon ka na nga, asal-skwater ka pa.

Uso ang maging tarantado e. Halata naman sa mga mababaw na posts sa Facebook, sa mangilang mga walang kasense-sense pero nagtetrending na topic sa Twitter at mga nag-aaway na mga kumento sa YouTube, ‘di ba?

Yan kasi ang hirap sa mga nakikiuso lang. Yung tipo na gawa ka lang nang gawa at gamit lang nang gamit ng account kahit na hindi ka naman nagbabasa o umiintindi sa mga anumang napapanood mo. Yung mahihilig mag-post o mag-message ng sandamukal na mga katarantaduhan sa kapwa mo na akala mo ay nakikipag-away ka ng direkta. Dada lang nang dada, pero pustahan, kung harapan lang magaganap yang tirahan na yan, baka umurong yang buntot mo’t hindi makapalag kapag hinamon ka ng suntukan, sampalan, o baka kahit sa hawak ng tenga (uso ‘to sa mga bata. i.e. “ahh, hawakan mo nga ang tenga kung papalag?!”).

Pustahan din, ang mga taong mahihilig bumira na parang gago lang na nagtatago sa mga mapagpalinlang mga pagkakakilanlan ay ang mga taong duwag sa personal.  Kung trashtalk lang ang laam mong gawin sa buhay, lalo na sa online life mo… makipag-usap ka na lang sa mga katulad mong basura. Yung mga mapapel na hindi na kaya pang i-recycle, yung mga kayang makipagsabayan sa kaplastikan mo, sa mga goma na saka lang lalabas ang baho kapag nailapat sa alab at apoy, sa mga nagmamatapang kahit sobrang bulok na ng kanilang istilo.

Trip nila sa buhay ang mabasag ng trip ng iba? E trip ko ding basagin ang mga trip ng mga ‘to e.

Uulitin ko, alam ko na hindi ka maangas at lalo namang hindi ka bobo. Kaya huwag ipilit na maging ganun, hindi kasi babagay lalo na kung babaduy-baduy ka na nga at balat-sibuyas ka pa naman.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!