6:02:17 PM
| 4/8/2013 | Monday
Isang video
ang kumalat kamakailanlang sa internet – ang nagngangalang DearAteCharo sa
YouTube ay gumawa ng serye ng mga prank call at inupload ito sa kanyang channel.
Tumatawag
siya sa iba’t ibang kumpanya na tulad ng LBC, Pizza Hut, BDO, SM at iba pa,
para makipag-usap ukol sa mga serbisyo nila na may halong pagbibiro ng naturang
caller.
Sa isang
Facebook page naipost ulit ang video na ito. Mula dito ay kumalat at umani ng
limpak-limapk na negatibong rekasyon laban sa naturang prankcaller. To the
extent na ang pagputakte sa kanya ay isa na namang panibagong kaso ng tinatawag
na cyber-bullying.
Na naman? Oo,
na naman. Pero sa kabilang banda kasi, deserving naman kasi na kutyain siya ng
tao kung hindi naman talaga nakakatawa ang kanyang biro. Patay tayo d’yan!
May
natutuwa man sa kanyang ginawa, marami naman ang hindi. Well kung ako ang
tatanungin, mayroon namang nakakatawang linya, pero karamihan kasi sa kanyang
mga pranks, mas malala pa sa pagiging corny. Yung tipong nakakainis lang. Maituturing
ding nakaiinit ng ulo. Kung napapanood n’yo ang video, malalaman n’yo kung
bakit ganyan ang aking opinyon.
Hindi s’ya
nakakatawa in a sense na obviously ay out of this world na ang mga linyang
binibitawan n’ya. And come to think of this – hindi lahat ng pamimilosopong
linya ay epektibo bilang mga comedy bars. Oo, hindi sa lahat ng oras ay
nakakatawa ang pamimilosopo sa kapwa.
Malamang,
aalma dito ang mga all center agent sa ginawa n’ya. Given. Naiintindihan ko
dahil ako mismo naranasan ko din ng mag-calls at marinig ang sandamukal na
katarantaduhan ng mga tao sa kabilang linya. At hindi kaya biro ang ikaw ang
mapagbalingan ng kalokohan nila, lalo na kung sa inbound ka nadestino. Kumusta naman,
‘di ba?
Pero bago
pa man uminit ng husto ang ulo at monitor ng kada Facebook users, e nag-labas
si DearAteCharo ng dalawang video: pareho itong naglalarawan ng kanyang
paghingi ng tawad sa kumpanyang naagrabyado n’ya at sa mga nagreact sa kanyang
ginawa mismo.
Yun naman
pala e. Kaso damage has been done, ika nga. At sad to say, kahit maraming mga mababaaw
at bobong nilalang sa mga social networking sites ngayon, hindi rin nito
mapipigilan na mapareact ng ayon sa nakikita nila.
YouTube
channel: http://www.youtube.com/user/DearAteCharo?feature=watch
Naiintindihan
ko ang punto n’ya. Gusto n’ya magpatawa? Given. Gusto niyang pagtawanan ang
sarili n’ya? Given. Responsible siya sa kanyang ginagawa? Given. Kaso hindi ganun ang dating e. Kasi nga naman,
sa sobrang lakas ng trip, hindi na ito nakakatuwa. Nakakainis na, nakakapang-init
ng dugo ba. Kaya matuto din dapat siya maging responsable sa reaksyon ng nakararami lalo na’t for public
ang post na ‘yun.
Kaya ano ang
magagawa natin? Alam natin na hindi n’ya tayo mapiplease. Well, ganun talaga. Kung
nasaksatan siya sa mga kumento ng naturang video, hindi lang dahil sa sikat
siya. Oo, sikat nga s’ya. Yun nga lang, sa katarantaduhan. Kung napaiyak man
siya sa init ng ulo ng ilang tao towards sa kanya, yan ay nagpapatunay na tao
pa rin siya kahit one-time YouTube sensation siya sa pamamagitan ng video na ‘yun.
Nasasaktan pa rin. Kaso ulit, ano magagawa natin kung brutal ang mga salitang
ginamit laban sa kanya (kahit sa totoo lang e nakikiuso at nakkireact lang yan
kahit hindi naman lahat sa kanila ay napanood ang video na yan)?
Isa lang
siguro masasabi ko, kahit umiyak pa siya d’yan... lilipas din yan, tulad ng mga
nangyari kila Amalayer at Robert Carabuena.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
uo nga lilipas din yan....
ReplyDeletenapanood ko na rin ang video... at di rin ako natawa....