4:56:13 PM | 4/4/2013 | Thursday
Wala akong anumang recorded material ng artistang ito. Ang
tanging sandigan ko lamang sa kanyang musika ay ang internet, umaasa sa YouTube
sa kanyang orihinal na music video o sa Myx pag naabutan ko pa ‘to na umeere sa
Studio 23.
Marami naman akong hinangaan na artista sa larangan ng
musika, maliban na nga lang sa panahon ngayon na kung saan ay saksakan na ng
kababawan ang mga nilalaman ng karamihan sa mga napapakinggan.
Pero buti na lang, sa kabilang banda, may mangilan-ngilan na
malulupit pa rin. Yung mga may sense ba ang kanilang musika. Of course, yun
lang naman ang hanap ko sa buhay e. Tipong sensible music lamang ang
nakapagpapasaya sa kamalayan ko. Tulad na lang ng isang ‘to sa larangan ng
mainstream hip-hop ngayon.
Ang lupit lang ni Gloc-9. Minsa’y napapagkamalan ay pangalawang
Master Rapper. Para kasing si Kiko kung bumira sa entablado e. May matitinding
salita, at may matitinding kahulugan ang bawat titik at himig nito. Tila sunod
sa kanyang trono ba.
Sa lahat yata ng umusbong artista sa mundo ng musika sa
panahon ngayon na ang isang patok na music record ay binabase lamang sa
takilya, isa si Aristotle Pollisco sa mga artista na naglalahad ng matitinding
kwento ng buhay.
Ilang beses ko na na-feature ang mga kanta nito sa blog ko,
mula sa usapin ng trahedya sa pag-ibig, sa diskriminasyon sa ikatlong kasarian,
sa seryosong suliranin tulad ng pangbubully, tributo sa isa sa mga alamat ng
musika sa Pilipinas, eleksyon, at iba
pa. iba’t ibang klase lang ng tema at mga istorya. Hindi lang ito usapin ng
kanyang mga album na Diploma at Mga Kwento Ng Makata. Isama mo na dito ang
kaliwa’t kanang mga proyekto at adhikain.
Hindi ito usapin ng pagiging patok sa sales, kundi sa
adbokasiyang dinadala sa bawat awit ni Gloc-9.
Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit unti-unti
nang nakilala ang rap at hip-hop sa Pinas. Hindi kasi sapat ang pagpansin sa
underground lalo na’t maami pa rin ang minamata ang mga genre na sadyang
taliwas sa kagustuhan ng nakararami sa lipunan tulad ng hip-hop. Buti na lamang
at kahit papaano e napapansin ang mga tulad ng Sunugan at FlipTop.
Ang mga ganitong kanta ang kailangan ng tao ngayon. Hindi mo
kailangang maghukay ng balon para lang mapansin ang kalaliman ng mga kanta. Ang
kailangan mo lang ay dalawang tenga, bukas na isipan at patinuin ang taste mo
sa mga bagay-bagay.
Isang saludo para kay Gloc-9.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
astig talaga si gloc. isa sya sa mga nagustuhan kong rapper sa pinas. makabuluhan ang mga sinusulat.
ReplyDeletehe reminds me of Francis M, maraming alam na pwedeng lkapatan ng musika (I mean may pagaka-variety, iba-iba, at hindi tipikal ang tema at kwento sa mga kanta n'ya), very rare na lang ang mga tulad nya sa panahong ito.
Delete