Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

07 April 2013

Sino Ang Dapat Sisihin?: “Sabit”


10:20:34 AM | 4/7/2013 | Sunday

Babala: Hindi po ito true story.

Isang sitwasyon ang aking napuna habang ako’y nasa gitna ng byahe nun. Nasa isang kalye sa lungsod ng 
Pasig ang aking binabaybay na dyip, nang may mga grupo ng mga bata (as in wala pa sa wastong edad) ang sumasabit sa mga pampasaherong dyip. Malalakas ba loob nila? Maari, dahil hindi nila alam ang panganib na kayang idulot ng pagsabit. Napasigaw na ang drayber lahat-lahat para babalaan ang mga bata na bumaba sa kanyang sasakyan, pero hindi ito pinakinggan ng mga musmos na pasaway.

Hanggang sa isang saglit matapos ang kanyang matiwasay na pagpapatakbo (as in sakto lang), napapreno bigla ang dyip at sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang mga bata. Napabitaw sa sinabitang dyip ang mga ito at nabagok pa nga ang isa sa kanila, habang ang isa ay muntik pang masagasaan ng kasunod na sasakyan.


Tinawag ng mga nakasaksi ang atensyon ng drayber. Dumating naman ang mga batang sangkot sa kanilang pagsabit sa dyip. Nagkaroon ng mainitang komprontasyon at mabigat na trapiko sa lansangan noong mga oras na iyun. Isa sa mga pasaherong nastranded pansamatagal nang dahil sa komosyong ginawa ng mga pasaway na nilalang. At isa rin ako sa mga nagsabi sa kanila ng “Tol, bumaba kayo d’yan. Huwag kayong sumabit, mapapahamak lang kayo pag may mangyari bigla sa sasakyang ito.”

Nakalulungkot isipin na sa sitwasyon na ganito, si mamang tsuper ang mas nalalagay sa alanganin dahil sasakyan nya ang involved. Responsibilidad niya ang mga nakasakay. Well, tama lang din, pero dapat hindi na niya saklaw ang mga sabit na paslit na yun, lalo na’t kung naninita naman siya na huwag sumabit sa kanyang jeep.

E mga walang isip ang mga yan e. Sino mas ang dapat sisihin sa kanila? Ang hanay ng mga pasahero na karamiha’y walang pakialam?

Dapat ang magulang ang maging accountable sa mga ganitong bagay dahil hindi nila kayang madisplina ang kanilang mga anak. Pero dahil nagbabago na ang panahon pero baluktot pa rin naman ang sistema at ang lohika ng karamihan, sorry na lang. Kaya ayun nalagasan pa ng limpak-limpak na salapi si manong jeepney driver para lang masagot ang gastusing medical, nagkarecord pa siya sa pulisya. Kawawa naman. Parang takot na siya mamasada tuloy nang dahil sa kagaguhan ng iba.

Kung walang isip ang mga batang ‘yan, what more pa ang lipunang bulok ang kamalayan? Sino ang tunay na may-sala? Sino ang dapat sisihin sa mga nangyari sa mga batang sabit?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!