11:15:49 AM
| 4/20/2013 | Saturday
“Ang sakit
for you? You’re hurting?”
Punyeta
naman.
Sadyang uso
na yata sa panahon ngayon ang mga nakatatangang tanong, kaya minsan ay hindi na
rin ako nagtataka kung bakit ang tataas ng ego ng ilang sumasagot na may halong
sarcasam at pamimilospo.
Hindi pa man ako nakakagawa ng aking ikalawang installment para sa aking “Snappy
Answers To Stupid Lovelife Questions” (pero idadagdag ko na ‘to sa listahan
para doon anyway), ay for the mean time akin munang papasadahan ang isang
tanong na nakakakuliling sa tenga at nakabuburyo sa isipan sa mga nakalipas na
araw.
Balikan natin,
ha?
Pinag-usapan ang hindi magandang moment n’yo sa ere. As in break-up n’yo
yun na resulta ng isang away ukol sa paghanga mo sa isang bokalista. Tapos ang
tanong sa jowa-jowaan mo noong nasa TV kayo ay “Ang sakit for you? You’re
hurting?”
Ano?
(pasigaw) “Ang sakit for you? You’re hurting?”
Teka...
teka... teka, nasaktan ka nang sobra-sobra nang dahil sa nangyari sa inyong
dalawa. Naikwento pa sa ere. Napahiya ka sa publiko, sa mga nakatutok sa
palabas na ‘to sa national television, at pati na rin sa mga adik sa Facebook
at Twitter... aasahan mo pa ba na may iba pang sagot d’yan maliban sa OO? Maliban
na lang kung may sapi si Kuya sa utak, pero obviously hindi mangyayari yun.
“Ang sakit
for you? You’re hurting?” Pinag-usapan ka nila nang harap-harapan ukol sa
break-up moment niyong dalawa, tapos itatanong niya sa iyo kung nasaktan ka....
naknampucha naman. Ano ‘to, lokohan? Ano’ng akala ng mga ‘to sa ‘yo, robot? Nagmahal
ka pa kung ganun. Pambihira naming tanong yan oh.
Kung ikaw
sa sitwasyon ni tol Jaypee Santos, parang gusto mo na lang sagutin ang mga
tanong na may halong panggaggago. Na parang ganito: “Hindi. Nasarapan pa nga
ako e,” o ‘di naman kaya ‘ay “Hindi. Promise. Okay lang yun at okay lang talaga ako.”
Tapos Yung tipong
nasa loob ng isipan at kulo mo ay “Bwakanangina, tanong ba ‘yan? E di ba noong
nasaktan ka e harap-harapan ka pang umiyak sa harap ng milyon-milyong manunood
ng TV Patrol? Not once, but twice? Remember?”
Hay, naku. Please lang, sa ikauunlad ng TV,
iwas-iwasan ang dalawang bagay: ang pagtsi-tsismis ukol sa lovelife ng iba
(kahit sikat pa yan), at ang pagtatanong na “parang tanga lang.”
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!