Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 April 2013

The Adventures: Torrijos, Marinduque

3:06:02 PM | 4/11/2013 | Thursday


Kay sarap lang baybayin ang dagat habang pasikat pa lang ang araw, tumingin sa bawat kalyeng madaaanan, masilayan ang mga batang naglalaro, mga nagtaasang puno at bundok sa gitna ng matatrik na kalsada, at ang baybayin na mas lawak pa sa isipan ninuman.

Ito ang aking kwento, ito ang aking byahe sa bayan ng Torrijos, sa lalawigan ng Marinduque.


Isang Biyernes ng umaga noon sa buwan ng Mayo, taong 2012 nang ako’y inaanyayahan ng isa sa kaing mga kaibigan sa kolehiyo na sumama sa kanilang proyekto at ang lokayson nila ay sa isla ng Marinduque. Excited lang ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na halos dalawang dekada, lalayas na naman ako mula sa main island ng Luzon.


Sulit ang halos walong oras na byahe, mula sa bus na maghahatid sa’yo mula Maynila hanggang sa isang port sa lungsod ng Lucena, probinsya ng Quezon hanggang sa pagtawid sa dagat pagdating sa Balanacan Port Mogpog. Kung tutuusin, hindi ako nakaramdam ng antok.


Pagdating sa naturang isla, agad tinahak ang bundok na kung tawagin ay Datum Origin, ang sinasabing pinakasentrong lokasyon sa buong Pilipinas. Isa’t kalahating oras sa pag-akyat, pero wala pa yata sa bente minutos pagkababa.

Mula doon ay halos tatlong oras naming tinahak ang daan papunta sa bayan ng Torrijos. Aliw na aliw lang sa pagmamasid, mula sa nagtaaasang mga bulubundukin hanggang sa lawak ng karagatan. Yun nga lang, may parte ng naturang bayan na sadyang tahimik kapag gabi. Kaya minsan, ang sarap lang maglakad sa gitna ng highway dahil walang dumadaan.



Tumagal lang ng halos isa’t kalahating araw ang aking pagtambay dun. Ni hindi nga nasunod ang mga plano ng grupo at lahat ay nauwi lang sa panibagong pagpaplano at aktibidades.

Ito nga lang ang aking napagtanto, may mga beach dun na magaganda rin. Hindi pa nga lang siguro ito natutuklasan ng husto ng karamihan. Masarap ang tanawin, at sakto lang ang atmosphere na para akong umuuwi sa aking probinsya. Maganda rin ang pakikitungo sa iyo ng tao (lalo na siyempre, kung hindi ka naman sisiga-siga). In fact, iilan sa mga kaibigan ko ay tubong Marinduque. At... oo, masarap din ang delicacies nila, lalo na yung cookies na iyun (na sayang hindi sapat ang pera ko nun para bumili ng halos 10 pakete para sa sarili ko lang hahaha).

Halos isang taon na rin pala no mula noong huli akong mapadpad sa lugar na ‘yun. Mabisita nga ulit minsan.



Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!