Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 April 2013

Tirada Ni Slick Master: MARIKINA PET BAN


2:47:40 PM | 4/24/2013 | Wednesday

Isa sa mga nakaiinit ng ulo na balita. Ipinagbawal sa lungsod ng Marikina ang.... pag-aalaga ng aso?

Whoa. Seryoso?! Oo, at naging mainit uli ang balitang ito matapos umalma ang mga animal advocates sa isang ordinansa ng naturang lungsod na naglalayon na ipagbawal sa mga resident eng mga resettlement areas ang pag-aalaga ng mga hayop.


Sa totoo lang, dapat noong 2012 ko pa isinulat ito dahil sa taong din yun unang nagkaroon ng matinding implementasyon ng Ordinansa bilang 13, S-1997.

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society o PAWS, “discriminatory” at “anti-poor” na maituturing ang naturang ordinansa na naisabatas na mula pa noong taong 2007.

Sa kabilang banda naman, dinepensahan ni Marikina City Veterinary Office chief Manuel Carlos ang pinagtatalunang pet ban. Aniya, para ito sa proteksyon ng mga residente laban sa mga sakit na posibleng maukha mula sa mga alagang hayop.               

Sa totoo lang, hindi na bago ang balitang ito. In fact, noong 2012 ay nagsilbing banta na ito sa mga pet owners ng Marikina City na lahat ng mga alagang hayop kahit nasa loob ito ng bahay ng mga residente ay pagdadakipin at iimpound. Bagay na higit na tinututulan na rin ng inyong lingkod.

Naiintindihan ko pa kung ang mga stray dogs o yung mga pakalat-kalat na aso at iba pang hayop ay pwede pang dakpin dahil sa sila naman talaga ang posibleng maging banta at magdala ng mga sakit na tulad ng rabbies. Sila rin ay nagiging sagabal sa mga motorista.

At naiintindihan ko rin na kalimitan sa mga resettlement areas ay una, dikit-dikit ang bahay. Pangalawa, maliliit ang espasyo; at pangatlo, posibleng maging laganap ang sakit.

Pero para kunin ang mga aso na nasa poder na ng mga may-ari at responsible namang inaalagaan kahit sila ay nasa isang resettlement site? Hindi na yata makatarungan ‘yun. Maari na hindi lahat ng may hawak na hayop ay hindi responsable pagdating sa pag-aalaga nito, pero hindi ibig sabihin na damay-damay na pati ang mga matitinong nilalang na sadyang mapagmahal sa mga alagang hayop at talagang inaaalagaan ang mga ito. Masyado naman yata yan.

Kung tutuusin, hindi naman lahat ng mga irresponsableng mamamayan ay nasa resettlement site nakatira e. Para mo naming dineprive ang isang tao na mag-alaga.

Ang isa pang problema naman kasi dito ay kapag nawala si Bantay, maglilipana naman ang mga kawatan. At nangyari na iyan sa ilang mga lugar sa lungsod ng Marikina noong naturang taon. Ala naman magbayad sila ng gwardya o magpakabit ng CCTV camera kung hindi naman nila kaya? Paano kung sadyang nakatutulong ang mga alagang aso para matakwil ang mga nagbabadyang masasamang elemento sa kanilang binabantayang teritoryo at maiwasang gumawa ng hindi kanais-nais?

Wala sanang masama sa batas na ito kung hindi siya discriminatory tignan. Wala sanang masama sa batas na ito kung kaya naman nila magpatrol sa magdamag laban sa mga bastardo sa lansangan. Opo, wala sanang masama dun.

Kaso, may butas nga e. Discriminatory nga.



Sources:
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!