Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 May 2013

Ang Feeling ng Taiwan


7:00:45 PM | 5/21/2013 | Tuesday

Ang feeling rin nila, ano? Pagkaliit-liit lang naman ng lugar, pero akala mo kung sinong Goliath kung mag-angas?

Pero bakit nga ba humantong sa ganitong kaanghang na relasyon ang dalawang bansang ito? Minsan tuloy naisip ko, pagkamalas-malas nga naman ng kasalukuyang administrasyon pagdating sa usaping diplomatika, ano? Pambihira lang, lagi na lang kasi tayong binubully ng ating mga kapitbahay, lalo na sa usapin ng teritoryo. At nitong Mayo a-9 ay nasangkot na naman ang Pilipinas, at sino ang kalaban? Ang bansang Taiwan.


May nabaril kasi ang mga taga-Philippine Coast Guard, at napatay nito ang isang mangingisda na mula sa isang fishing vessel ng bansang Taiwan. Kaya ayan, nag-alburoto sila to the extent na ang mga bata nila ay sumugod sa isang dormitoryo ng mga OFW, at isa sa ating mga kabayan dun ay nasugatan.

Maliban d’yan, nagbato ng sandamukal na mga sanctions ang Taiwan sa ating bansa, kabilang na d’yan ang pag-freeze sa mga job applications ng mga Pinoy dun, isama mo na ang red travel alert nila sa atin. Pero parang ang OA lang, buti sana kung katulad ito ng naganap na Manila Hostage Crisis noong 2010.

May naganap na imbestigasyon. Sabi ng Taiwan, murder ang kanilang hatol sa insidente. Sa kabilang banda naman, hindi raw sila nakipagtulungan sa Pilipinas pagdating sa imbestigasyon nito. Hindi rin daw nasunod ang mutual agreement nito. Kaya ayan tuloy, ang gulo na.

Pero, ang dalawang bansa, makikpagpatayan dahil lang sa katiting na bagay?! Hoy, huwag naman sana ‘no?

Maayos din ‘to, sa tingin ko. Kaso ang conflict pagdating sa mga tinatawag na “exclusive economic zones?” Naku, ewan ko na lang. d’yan nagsimula ang sigalot na yan e. Sa jeskeng exclusive economic zone na ‘yan. May fishing agreement pang nalalaman? Bahala na ang mga diplomatiko na mag-usap d’yan, basta ang feeling lang nila. Pukinanginangyan.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!