9:59:26 PM | 5/7/2013 | Tuesday
Ang hairdo ni Charice. Anak ng tokwa, lagi
na lang ‘to lamang ng usapan at kalokohan ng social media ha?
Sabagay, sino ba naman kasi ang hindi
maloloka sa itsura ng hairdo niya na maihahalintulad sa iba’t ibang
personalidad. Dumarating na nga sa punto na nakekwesityon na ang personalidad
ng batang singer. Kaya ayan, laging pinuputakte ng mga tinatawag na “meme” sa
Facebook.
Oo nga naman kasi, ang tino naman ng look
niya noong nagsisimula pa lang siya sa karera bilang isang international
singer. Kaso sa paglipas ng taon, ayan na, nakakaloka sa nakakaloka. Hindi
naman siguro palala nang palala, unless kung isa kang full-pledged hater ng
bruha.
Pero sa kabilang banda, hindi naman kaya
dahil gusto niya mabago ang imahe niya? At nakikisabay sa agos ng mga pop teen
stars sa worldwide music scene? Kaso ang problema nga ay nagiging baduy e. As
in pabaduy nang pabaduy lang. Masyado naman yata tayong mapanghusga.
Pero (ulit) pag nagsalita na kasi ang
miyembro ng pamilya, e ibang usapan na yan e. Kung isa kang fan ni Charice,
hindi mo masisisi ang grand-ermat ng naturang international singer kung
naalibadbaran na siya sa kasalukuyang itusra niya. Aniya, ibalik na lang daw ni
Charice ang old good look niya.
Okay sana kung maunawaan yan ng mga
tagahanga niya. E paano kung hindi, as in to the extent na ang sinuman na
magsasabi lang ng opinyon na taliwas (at hindi naman nakikipagtalo o ni
nagbitaw ng maanghang na salita) e pinapatulan na nila? Tahasang binabash sa
internet? Naalala ko tuloy ang isa sa mga immature na fans niya noon na inawaya
ang isa sa mga kaibigan ko sa Twitter.
At the end of the day, kahit anong
pamumutakte natin sa kanya, hairdo pa rin niya yan. At wala tayong magagawa diyan,
maliban na lang kung ikaw ay nakatatandang kamag-anak niya. Ganun kakumplikado.
Author: slickmater | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!