04 May 2013

Boring!


03:36:53 PM | 5/4/2013 | Saturday

Ang post na ito ay may halaw na inspirasyon mula sa WOTL Boring Elections 2013.


Tama ang isa sa mga pinakahuling episode ng programang Word Of The Lourd. “Ang boring na ng eleksyon!”  

Oo, bwakanangina, ang boring na! Buti pa ‘tong palabas na ‘to, hindi boring!

Bakit nga ba ganun, ano? Maraming dahilan, kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit tamad na tamad na ‘tong pag-usapan ng mga tao, at kung bakit hindi na rin sila boboto pag tinamaan pa sila ng lintek na sumpong.


Kasi nga naman, sila-sila na rin lang ang tumatakbo. Ano pa bang bago? Wala bang mga bata. Meron, pero jusko, karamihan naman sa mga ito ay mga kaibigan at kamag-anak ng mga pulitko sa mga naunang henerasyon. Panibagong kaso na naman ‘to ng political dynasty, at yung mga taong nagsusulong ng mag ‘to? Pucha, mga hipokrito rin pala.

Bakit ang boring na ng eleksyon sa Pilipinas? Dahil sa nauusong bagay na kung tawagin ay “showbiz government.” Ang kilalang personalidad ay dapat nasa parehong showbiz at pulitika. Sabagay, mapulitika nga naman ang mundo ng showbiz at ma-showbiz din naman ang mundo ng pulitka, mula sa mga tsismis hanggang sa mga jowa. Ayos ba? Leche, ang boring kaya! Sawang-sawa na kaya ang madla sa mga pautot, drama, moro-moro at sarswela ng mga nagbabangayang pultiko sa entablado na kung tawagin ay Senado, Kongreso at Malakanyang.

Sadya bang boring ang mga midterm elections? Na kung ikukumpara sa isang malaking event o konsyerto e tilang mga front act lang ang mga ‘to. O kung sa mga laban sa boxing, e mga nagsisilbing undercard match lamang ito?

Ang boring ng eleksyon, kahit sumayaw pa sila d'yan, kumanta, umakto, o kahit itampok pa ang kaniulang istorya sa Maalaala Mo Kaya. Uso nga ang Gangman, Harlem Shake, Gwiyomi at ultimo ang gentleman, pero kahit sumakay pa ang mga 'toi sa bandwagon, e hindi rin papatok. Mabuti pa yung mga may orihinal na jongle at linya tulad noong 2010 Presidential elections e. Hindi naman kasi lahat ng mga botante e madadala sa pagsayaw ng Gangnam o Harlem shake nmg mga pulitko, e "parang tanga lang" din ang sayaw na 'yun e.

Ang boring ng eleksyon! Bakit? May mga ilang lugar sa Pinas na iisa lang ang tumatakbo sa mga posisyton. Tulad ng nasa QC, Marikina at kung saan-saan pa. Sabagay, kung nauurat din naman ng tao, baka naman pwede nilang iliban yung bilog na hugis itlog na iyun, ‘di ba? Simpleng kahulugan ng abstain. Pero ang boring pa rin.

Sa sobrang boring ng eleksyon, may nabago ba sa ating lipunan? Maliban pa sa pag-impeach kay Chief Justice Renato Corona. Meron naman e. Marami kaya. Hindi ko na nga lang babanggitin dahil baka malihis pa tayo sa topic.

Pero kahit boring, no choice tayo – kelangan pa rin naman nating i-exercise ang tinatawag na “right of suffrage.” Boboto pa rin tayo sa ayaw at sa gusto natin. Kung hindi ka boboto, e wala kang karapatang magreklamo.

Panoorin ang WOTL Boring Elections 2013 sa video na ito (below).


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.