Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 May 2013

Dapat Tama


8:27:43 AM | 5/11/2013 | Saturday

Dapat tama. Isa sa mga tampok na mga salita o parirala ngayong taon, lalo na’t nalalapit na ang panahon ng eleksyon. Dapat Tama, isang patotoong salita, hindi lamang sa larangan ng pulitika, kundi sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang ito. 

Dapat tama, well, ano ba ang dapat at ano ang tamnag gawin ngayong eleksyon? Halos kahalintulad nito ang slogan ng ilang lugar na aking nakita sa Metro Manila (“Gawin Ang Tama” movement) at  counterpart naman sa “Tayo Na” ng karibal nna istasyon na  ABS-CBN Channel 2.

Mula sa adbokasiya ng GMA News and Public Affairs sa pamumuno ni Jessica Soho. Isa sa mga napapanahong  programa ng naturang istasyon para ma-eduka ang mga tao sa nalalapit na halalan.

Hinihikayat nito ang sinuman na maging parte ng pagbabago sa lipunan, na sila ang mismo ang kumilos na gawin ang mga nararapat at tama sa mata ng ating lipunan. Na punahin ang dapat punahin – ang mga maling bagay na nagaganap, lalo na’t sa panahon ng eleksyon na kung saan ay laganap ang karahasan at panlalamang sa kapwa , makamit lang ang boto ng sambayanan.

Maliban sa adbokasiya mismo, isa rin itong kanta na tumutukoy sa bawat tao, na pagdating sa mga pipiliin nating mga kandidato, dapat tamang tao ang ating maihahalal. Napag-iisipan ng masinsinan. At sa pangkalahatan na rin, na simulan na nating itama ang mali para makaangat muli ang ating bayan mula sa masalimuot at masaklap na mga kaganapan ng nakalipas. Dapat tama, sa isip, sa salita at lalong-lalo na sa gawa.

Kantang isinulat ni Gloc-9 para sa GMA News, at kinanta kasama ang kanyang Protégé na si Denise Barbacena. Isa sa mga kanta na naglalaman ng matinding mensahe sa panahon na ito.
Sa panahon talaga ngayon, dapat tama talaga ang ating maihahalala at gagawin kung nais nating magbago ang ating bayan.

Dapat Tama music video (with GMA News Anchors and Reporters) (http://www.youtube.com/user/gmanews?feature=watch)


Bisitahin ang http://www.gmanetwork.com/news/dapattama para sa buong detalye ng adbokasiyang Dapat Tama.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!