Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 May 2013

Dissing To My Dismay


12:04:09 AM | 5/14/2013 | Tuesday

Naalala ko lang ang kantang “Mga Putangina N’yo” ni Batas. “Nagkataon lamang na ang dami n’yong nabenta dahil sobrang daming Pilipinong ubod ng tanga!”  Alam ko, masyadong harsh ang linyang yan. Pero sa totoo lang kasi, Ang daming mali e. Napakaraming mali. Isang nakakadismayang gabi.

Hay, naku. Siguro, kaunti lang ang nakapansin na mangyayari pala ito. Sa aking pagsbuaybay sa resulta ng botohang naganap nitong araw lamang, ang mga taong hindi deserving sa mata ng iilan na tulad ko ang siyang naging patok at naging kabilang sa mga nangunguna sa bilangan ng boto.

Hindi naman sa pagiging bitter o talangka. Pero anak ng pucha, bakit ako magngangawa na parang ganito? Siyempre, bumoto ako. Natural lang! Inexercise ko ang right of suffrage ko, no!


Gusto ko sanang maniwala sa kanta ni Gloc-9. Oo nga naman, hindi naman lahat ng mga boatante Pilipipino ay bobo. Kaso, karamihan? OO!

Tama si Direk Joey Reyes sa kanyang Twitter account.


Sa madaling sabi, karamihan sa mga bumoto sa Pinas ay kinabibilangan ng mga nasa lipunan ng mga masa. Ang pinaka-audience ng halos lahat ng mga kabaduyang bagay sa mainstream, mga mababaw na nilalang sa mga social networking sites. Ops, hindi yan “lahat” ha? Basa-basa din kasi bago maghusga. Yung iba kasi nakikiuso lang sa agos e.

Tama si Lourd de Veyra sa isa niyang episode ng kanyang palabas na Word Of The Lourd. Pucha, ang boring nga! Hindi siya boring in a sense na walang kaato-atorya o hindi maingay ang pangangalampag ng mga kandidato, kung ikukumpara sa nakaraang presidential elections. Boring siya dahil hindi ito ang inaasahan nating resulta. Boring siya dahil marami ang nadismaya. Bwakananginang yan.

May argumento na pangontra. Maliban sa “tanggapin naman natin ang reuslta, wala tayong magagawa e,” ay ‘pabgigyan antin sila.andyan na e. Baka naman may ibubuga pa.”

Ayos sana, kung marami naman talaga sa kanila ang may potensyal diyan. Kaso, pang-ilang beses na rin ba kasi nating nararanasan ang ganito? Tila siyam sa sampung beses na pag-eeksperimento natin e wala rin naming naidulot na maganda. Kaya imbes na umangat tayo, wala. Bagsak pa rin, tuald ng sinabi ni Macoy noong 1986.

Isa pa, ang jeskeng “political dynasty” kasing yan, at samahan mo pa ng tinawatag na “showbiz government.” Wala sa bokabularyo ng karamihan ang prinsipyo at bagkus, ang salitang “kasikatan” ang nagdadala para sa isang kandidato na bumoto. Wala itong pinagkaiba sa ilang mga personalidad ngayon sa entertainment na basta kahit wala kang talent, pero may mukha kang ihaharap, sisikat kang tunay. Panalo ka by all means.

Kunsabagay, ang upside nito ay ang katotohanan na “partial at unofficial pa ang resdulta.” Which means, sa kasalukuyan, hindi pa natatapos at hindi pa ring opisyal ang bilangan. (Bukas pa nga ng alas-10 magsisimula yan e).

Pero kung ang partial/unofficial tally ang pagbabasehan, wala e. Tsk, tsk, tsk.

Anyway, tatlong bagay na lang ang pwede nating ipanalangin at asahan diyan. Na una, mali ang ating iniisip na pagkadismaya  at tanggapin na lang natin ang resulta (after all, hindi naman dayaan ang naganap e unlike yung mga sasabihin ng mga natalong kandidato d’yan); pangalawa, maging matino ang lahat matapos ang halalan na ito; at pangatlo, manalo ang mga karapat-dapat na manalo. Pero mas gusto ko yung pangatlo e. *crossed fingers*

Siguro, ito ang masaklap na katotohanan sa salitang “demokrasya.”

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!