11:42:30 AM
| 5/15/2013 | Wednesday
Gatas o
Gin? Ito ang matimbang na tanong sa ngayon, dahil Game 1 na ng PBA Commissioner’s
Cup finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ayos. Parang
classic rivalry noong 90s lang ha? Noong panahon na nagkaroon ng Grandslam ang
Alaska at ang kaharap nito ay ang.... *drumroll, please?* ang crowd favourite
na Ginebra, may mala-Twin Tower na line-up sa pamamagitan nila EJ Feihl at
Marlou Aquino. Mantakin mong ang isa sa mga mas matayog ang lipad nun ay si
Johnny Abarrientos?
Pero fast forward
tayo sa 2013.
Sa panahon na may Tinyente na ang the Fast and the Furious combo,
samahan mo pa ng mga sandamukal na highflyer; laban sa isang beast, at may
solidong support cast sa pangunguna ng isang team captain na dati ay mala-sirko
ang galaw sa ere.
Naging
solido ang Alaska sa buong komperensya, nanguna sa team standings sa 11-3
win-loss record nito. Naalala ko nga na sa uinang game ng torneong ito pinukol
ni Cyrus Baguio ang kanyang game winner, na sumuporta sa malahalimaw na clutch
play nun ni Calvin Abueva.
Samantala
ang Ginebra ay nasa pampitong ranggo sa 7-7 record nito. Akala nga ng karamihan
e mahina ang koponan na ito dahil sa 0-4 na start, at sa pagkabaon sa 2-1 na
standing laban sa Tropang Texters noong nakaraang semifinals.
Akala ko
rin e. Dito lumabas ang Never Say Die Spirit nila, sa pagkaroon ng game-winning
run sa semis, dala siguro ng momentum ng pagiging slam dunk king ni Chris Ellis
at sandamukal na alley-oop plays ni L.A. Tenorio at Vernon Macklin. At may mga
fastbreak shooters sila sa katauhan ni Josh Urbiztondo.
Pero hindi
mo rin maa-underestimate ang Alaska, lalo na’t malaks din sa scoring spree ang
kanilang import na si Robert Dozier, at pag uminit ang shooting ni JVee Casio.
Unang beses
ito na makapasok ng Alaska sa Finals – at sa pagkakataong ito, hindi na si Tim
Cone ang kanilang coach. And ironically, tinalo nila ito sa kanilang semifinals
match-up laban sa kanyang San Mig Coffee Mixers.
Well,
tingin ko sa seryeng ito? Malamang puykupukan at ma-pisikal ang laban na ito. Too
early to tell na ang Aces ay mas mananaig dahil napaka-unpredictable ng takbo
ng laro na ito, considering na dahil nga sa “ never-say-die” attitude ng
Ginebra.
Pero mas
exciting ‘to pag nakabalik na talaga sa laro si Mark Caguioa, bagay na ginawa
niya noong game 5 laban sa Tropa. Maalala na may dalwang buwan din na
na-sideline si The Spark dahil sa injury.
So tingin
ko, either team will have it on 5 games. At mas notable palyers na pag
match-upin dito ay si Caguioa at Abueva, regardless kung magkaiba ang posisyon
nila sa court. I mean, sila ang mas papansinin ng media, considering na napakatinding
manlalaro ‘tong si Abueva, habang si Caguioa ay MVP noong nakaraang season at
sa panahon ng kanyang kalakasan at patuloy siyang kumakana ng matinding kontribusyon para sa kanyang
koponan.
So, kanino
ka kakampi? Sa Gatas Republik? O sa never-say-die na baranggay?
Ang Game 1
ng PBA Commissioner’s Cup Finals ay gaganapin sa Miyerkules, Mayo 15, 2013 sa
Araneta Coliseum sa oras na alas-7:30 ng gabi. Mapapanood ito sa TV5, Aksyon TV
at sabay na mapapakinggan sa DZSR Sports Radio 918 at Radyo5, 92.3 News FM.
Sources:
author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!