12:31:54 AM | 5/17/2013 | Friday
Tatlong araw ang lumipas at matatapos na
rin ang bilangan ng boto sa halalang ito, ang 2013 Midterm Elections. Ang kaso,
e ano naman ngayon? May nabago ba at may mababago ba sa sistema ng ating bansa?
E sa totoo lang, ganun pa rin naman e. Nagloko
ang PCOS machine sa ilang mga presinto sa bansa. Ang hinala ng iba, “hocus
P-COS!” At ang bagal pa rin ng transmisyon ng boto. Sa uanng tatlong araw e
halos malaman na natin ang lahat-lahat e. Nitong nakalipas na dalawang araw
lang bumagal ng husto, dala ng teknolohiya. Kaya angr esulta, halos
labing-isang milyon (o sana bumaba pa) pa yata ang hindi pa nabibilang, bagay
na possible pang makapagbigay ng ilang adjustments at turn-around sa mga ranggo
at resulta.
Isang dating pangulo ng bansa, naging
alkalde na ng Maynila. Ayos ba? Well, wala tayong magagawa d’yan, lalo na’t
kung mas maraming tao ang gusting maiba naman ang pamumuno sa lungsod ng Maynila.
Kaso, ang labo lang ng pulitika sa ating bansa. Mantakin mo ang isang taong
nahatulan sa kasong pandarambong at may parusang reklusyon perpertua, pero
nabigyan ng pardon, and yet nagkaroon pa rin ng karapatang tumakbo? Ay naku.
Mga tumatakbong artista at kanilang kwento
ng kabiguan. Ang power ni Madam, hindi tumalab sa Cebu. Senyales ba na mas
matalino pa ang mag Cebuano kesa sa mga nasa Metro Manila ukol dito? Hindi. Pero
at elast kahit paapaano ay may lamang lang sila. Dapat nga ay yung mga nasa mas
sibilisadong lugara ay ang siyang mas matitindi at mas may substansya sa
pagdedesisyon kung sino ang ihahalalal e. Yung isang tumatakbo sa yata sa
kongreso, natalo. Well, masakit talaga ang first time, pero kelangang kayanin
nila yan kung talagang plano naila na i-pursue ang kanilang buhay sa pulitika. At
yan lang din ang patunay na hindi sa lahat ng oras, ay epektibo ang tinatawag
na “Showbiz Government.”
Pero sa kabilang banda, ang asawa ng pambansang
kamao, nanalo sa Saranggani bilang gubernador. Inaykupo. Showbiz Government + Political
Dynasty in one couple alone. Parang 2-in-1 na kape lang, ‘no? Kaso… nyai. Grabe
naman.
Ang tuluyang pamamayagpag ng mga dinastiyang
pultikal sa ibang probinsya. Naku, hindi na bago to. Asa! Katulad ng sinabi ko
kanina, sadyang murami ang pulitika sa ating bayan. Pero sa kabilang banda
kasi, it’s either no choice ang tao, o dahil sa katotohanan na may magandang pangalang
nagdadala. I mean, siguro, may mga angkan talaga na nasa dugo ang paglilingkod
sa bayan, at kaya ganun na lang din ang tila pagmamahal sa kanila ng kanilang
kababayan. (Pero political dynasty pa rin kasi e. Mali sa mali)
Ang pamamayagpag ng mga incumbent at
pupukan na mga labanan, lalo na sa local na pamahalaan. Naku, hindi na rin bago
‘to.
Anak ni FPJ, nangunguna na sa senatorial
race, at in fact, isa siya sa unang anim na senador na naiproklama nitong
Huwebes ng gabi lang. Mahirap husgahaan, maari kasi sa una, ano lang kaya ang
dinadala ng taong ‘to, maliban sa pangalan ng kanyang erpat? Sinasabing pagpapatuloy
lamang ito ng nasimulan na legasiya ng kanyang ama sa pulitika. May ginawa
naman siya kahit papaano sa MTRCB bilang chairman nito. Pero, sapat na ba ‘yun?
Ano ang kanyang maisusulong sa senado? Malalaman na lang natin yan sa mga
susunod na araw.
Matatapos na ang eleksyon, pero hindi pa
rin tiyak kung nakapasok si Dick o hindi! Palitan sila ni Gringo Honasan sa pang-dose
at trese na posisyon. Naku, ipanalangin na lang natin (at ipagtrend ulit sa
Twitetr) na ipasok si Dick sa Senado!
Pero ito yata ang pinakakontrobersyal sa
lahat. Ang aleng ito na nagngangalang Maria Lourdes Nancy Sombillo
Binay-Angeles. Marami sa atin ang kumuwestiyon sa kanyang kakayahan (at in
fact, meron nga ba talaga maliban sa pangalan ng kanyang ama na si
bise-presidente Jejomar Binay). Ke, personal assistant o “OJT” ng kanyang
magulang? O “late-decision” runner (as in late na siya nagpsya na sumabak sa
pulitka)? Ambisyosa (dahil ang taas kagad ang tinakbuhan n’ya? Na parang ‘di
pba pwedeng ,magsimula ka naman sa mababang post?), ayaw makipagdebate, o baka
naman dahil sa kulay ng balat niya (bagay na tingin ko e hindi na dapat pang
pinupuna kung matinong mamamayan ka)? E teka, ganun din naman ang erpat n’ya
kung tutuusin ah. At, may isa pang duda – ang pahayag niya sa isang news
channel na “wala naming masama sa political dynasty ah.”
Isang bagay nga lang ang nagpatumba sa mga
tanong na ‘yan. Ang kanyang garantiayng panalo sa senado. Oo, pang-lima ba
naman e. Kaso tampulan pa rin s’ya ng tukso. At hindi nga yata sumipot sa
pagproklama sa kanya? Anong rason, dahil sa ayaw ng kanyang partido na UNA na maganap
ng deklarasyon? Ang labo lang, ikaw na nanalo, ikaw pa ang ayaw pumunta. Ang dating
tuloy e parang “ano ka? VIP?” At oo nga pala, pangatawanan mo yang sinabi mo na
sa Senado ka makikipag-dayalogo ha? Kitam mong maraming Pinoy na nasilaw, este,
bumoto sa ‘yo.
Halos tapos na ang mga kaganapan sa
nagdaang eleksyon. Ops, uulitin ko, halos.
Ano ang tingin ko sa nagdaang eleksyon? Isang
malaking conry na joke lang ang nangyari. Naku, nagpasilaw ang karamihan sa mga
may pangalan na kandidato. Kahit wala namang tinatawag na track record o
karanasan sa pulitika mismo, binoto at nanalo pa. asan na kaya ang utak ng
mayorya? Asan na kaya ang mga una nilang winika ay “iboboto ko yung may
prinsipyo, plataporma, yung talagang makatutulong sa ating bayan?”
Hindi mo sila masisisi? Naku, isang
malaking kalokohan ‘yan, tsong at tsang. Nakakailang beses na tayong ganito. Hindi
na tayo natuto. Kulang na lang, masupalpal pa tayo ng mga masasakit na salita
na tulad ng tanga, bobo, ignorante, mangmang, inutil, at iba pa.
Pero kahit ganun na ang resulta, wala na
tayong magagawa d’yan. Yan ang kagustuhan natin (in general) e. basta, pag
pumalpak ang lahat, wag mong sisishin ang iba ha? Sarili mo muna.
Sa totoo lang, hindi dapat sa pagtapos ng
bilangan tayo titigil mula sa pagtutok. Dapat araw-araw.
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!