Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 May 2013

Isang Pasaring Sa Mga Tangang Mamamayan.


11:48:49 PM | 5/15/2013 | Wednesday

Mga minamahal na kababayan, bakit ang tatanga n’yo? Noong mga nagdaang taon, noong panahon na naghari ang korapsyon,  naghahangad kayo ng pagbabago. Nitong mga nagdaang araw na’y dumating na ang eleksyon, ni hindi naman kayo bumoto. Puro kayo reklamo. Anak ng puta naman, ano ba talaga ang gusto n’yong mangyari sa lipuanng ginagalawan n’yo?

Oo. May bumoto nga naman. At noong dumating na ang eleksyon, laging paalala sa inyo na bumoto ng wasto. Pero ano ang ginawa mo? Winaldas ang pagkakataon. Nagpasilaw sa kasikatan nila, kahit wala namang kakwenta-kakwenta o ni substamsya ang kanyang ginawa, basta may pangalan, sige lang. Parang mga gago lang na nagpadala sa kandidato porket may sarili siyang palabas at pera. Kahit walang kilos at puro lang boka. Ay, nakakaloka.


Anong hindi pwedeng sisihin? Bakit, nakakailang beses na ba tayong ganito? Ilang beses ka naming iniitindi, pero hindi ka naman umaayos? Hindi na tayo natuto. Para kang sinampal sa magkabilang pisngi, sinutok ng mala-buwan na kamao, tapos hindi ka pa rin lumalaban kahit binabastos ka na ng harapan!

Tapos, ano na naman ang argumento n’yo? Suportahan na lang natin? Oo, gagawin natin yan, pero kailangan nating masermonan paminsan-minsan lalo na’t kung kailangang may masupalpal mula sa isang malaking kabuluktutan. Aba, dapat lang.

Ano na naman ang bibitawan mo, “ipokrito” tayo? Ironically ang mga taong gumaganti sa mga taong nananapul ay silang mga taong hindi kayang umamin sa mga kabobohan nila. Mga guilty, kunwaring mapanghusga pero saksakan naman ng pagiging hipokrito at tanga. Hindi na natin kailangang magbatuhan ng putik ditto dahil pare-pareho naman tayo’y may kanya-kanyang dumi at baho. Wala tayong pinagkaiba sa mga nilalait n’yong “Instik beho.”

Tapos, ano na naman ng mga ngangawain n’yo pag dumating ang sumundo na halalan? Sisigaw na naman kayo ng pagbabago, porket hindi n’yo nakuha ang inaasahan n’yo? Walang pagbabagong nagaganap? Mga ulol! Para kayong sirang plaka na paulit-ulit na lang pinapatugtog kahit gasgas na sa tenga. Mga kunwaring natauhan sa kaswapangan ng kanilang mga binotong nilalang.

At bago mo ako hiritan ng pasaring at magturo sa kung kani-kanino lang, una mong sisihin ang sarili mo, lalo na’t kung ikaw rin ay kabilang sa mga may puno’t dulo ng ating mga kalokohan.

Nagpapaalala lang po. Nakakasawa na kayo, mga putangina n'yo!

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!