11:29:43 PM | 5/28/2013 | Tuesday
Tuition hike na naman. Kung tutuusin, hindi na bago ang
isyung ito. Kada taon naman ay nagkakalokohan na tayo pagdating sa balita sa
pagtaas ng tuition e. Yung iba, tinotoo ang paghike, at yung iba naman, pa-PR
lang.
Pero ito? Mukhang malaking dagok na naman ito sa estudyante
at magulang na naman. Oo, for the nth time. Kasi halos 350 bilang ng mga
eskwelahan, magtataas ng tuition fee. At aprudbado na yan ng Commission of
Higher Education. Panibagong kalbaryo na naman ito sa mga nagpapaaral sa
kanilang mga kaanak.
Naisip ko tuloy, baka may matulad na naman kay Kristel
Tejada niyan ha? Yung estudyanteng nagpakamatay dahil sa labis na pamomroblema
sa kanyang tuition fee. Hindi siya nakapagbayad, kaya tuloy ang pakiramdam niya
nun ay gunaw ang mundo niya sa mundo ng pagiging estudyante. Kaso literal,
nagunaw nga, pati ang buhay niya.
Sa move na ito ng mga may-ari ng mga pamantasan at
unibersidad, pati na rin ng CHED, ilang kawawang nilalang na naman ang
mababadtrip, pipiliing magbulakbol na lang o tumambay, magpost ng mga
frustrations (na may kinalaman sa pagtaas ng tuition fee) nila sa Facebook,
Twitter o ultimo sa Tumblr, o mas malala, madepress at sapitin ang kamatayan sa
pamamamgitan ng pagpapatiwakal sa sarili?
Paano yan, lalo na’t ang ilang pamantasan pa naman ay hindi
matake ang promissory note bilang isang excuse? Lalo na malamang yung mga
nagsisipag talagang mag-aral, pero hindi maka-afford ng scholarship (yung mga
mataas at sakto lang ang antas ng kanilang intelihensya para sa kanilang mga
grado).
Ang sasabihing pagtaas ng matrikula naman ay para na rin sa
ikagaganda ng mga pasilidad ng kanilang paaralan. Well, sa iba, hindi masama
yun, lalo na kung umuunlad naman talaga ang eskwelahan nila. Yun nga lang, sa
iba kasi, hindi ito maramdaman. Kaya tuloy ang iba, hindi mawaglit sa isipan
nila na pera-pera na lang yata ang usapan ha? Pineperahan na lang ba tayo niyo?
Naku, huwag naman po sana .
Dahil tiyak baka tamarin lang ang mga ‘to na mag-aral at baka sumama sa
populasyon ng mga lumalanding kabataan sa panahon ngayon.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!