10:31:33 AM | 4/29/2013 | Monday
Kung akala ng mga tambay na madaling kumita
ng pera at magahnap-buhay, tiyak na nagkakamali sila.
Walang madaling trabaho sa mundo, kaibigan.
Bilang isa sa milyon-milyong nilalang na hinaharap ang pagsubok ng buong mundo,
maraming kalbaryo na pinagdadaaanan ang isang empleyado o kahit empleyo din.
Akala mo madali ang lahat?
Hindi madaling maghanap ng trabaho, kahit
may one-day hiring process pang nalalaman. Dahil aanhin mo naman ang job offer
sa ‘yo kung hinding-hindi mo naman linya ito?
Hindi madali ang trabaho. Matutunan mo man
ito, pero nasa kagustuhan mo at kung hindi ka mag-iinarte d’yan.
Hindi madali ang walong oras na
pasikot-sikot ka sa desk mo, utusan ng iyong boss, gumawa ng sandamukal na
report, at iba opa na pinapagawa sa iyo. Minsan, sala sa init at sala sa lamig
ka pa. Kung may kulang pa para sa araw na ‘to, mag-oovertime ka pa. Maraming
bagay na masasakripisyo.
At sa sobrang pagsasakripisyo, nagkakaroon
pa ng mga tampuhan at sigalot sa pagitan mo at ng mga kasamahan mo sa bahay.
Ikaw ang magiging tampulan ng kanilang kantyaw, tampo at panghuhusga kapag
naging workaholic ka.
E kung palit kaya tayo ng sitwasyon nang
maranasan niyo ang naranasan ko, mga putangina n’yo? Stressed ka na lahat-lahat, ikaw pa rin ang
may dagdag na trabaho sa bahay na dapat sana
ay nilalaan mo na ang oras mo para magpahinga at maghanda para sa mga susunod
na araw ng paghahanap-buhay?
Hindi madali ang maging taga-salo ng mga
aberya kung sakali na hindi satisfy sa serbisyo ng kumpanya nyo ang klieyente
niyo. Hindi madali ang tanggihan ka ng mga customer dahil sa mababaw na
problema sa prdukto mo. Hindi madali.
Minsan, hindi pa sasapat sa pamilya mo ang
napaghirapan mong pera. Kaya minsan, iwas sa mga tulad ng mga aktibidades na
pamparelax tulad ng uminom ng alak, manood ng pelikula, bumili ng bagong bagay
na kailangan (o kahit pang-luho) mo tulad ng sapatos, damit, bagong piyesang
pang-ayos sa computer, gadget tulad ng digicam at cellphone, serbisyo ng cable,
atbp.
Hindi madali ang magtrabaho, lalo na kung
pinuputakte pa ng mga intirga’t pamumulitka ng iyong mga kasama, at lalo na
siguro kung superior pa ang tumitira sa iyo. Ito ang hirap sa salitang
“pakikisama e.
At kung mamalas-malasin ka pa, may mga
masasamang elemento pa na mananamantala. Akala ng mga putanginang ‘to e sila
ang naghirap sa salaping pinagtrabahuan mo e no? E paano na lang kaya kung
maging vigilante ang bawat empleyadong mamayan ng lipunang ito? Baka tiyak,
ubusan ng lahi ang magaganap (naykupo, huwag naman sana ).
Hindi madaling magtrabaho lalo na kung nasa
ibayong dagat pa ang iyong destino. Kahit andyan si mareng Skype at pareng
Facebook e iba pa rin ang kalinga at dating na nasa piling ka ng iyong mga
mahal sa buhay sa iyong inang bayan.
At mas lalong hindi madaling magtrabaho
kung ikaw pa ang breadwinner sa pamilya mo. As in ikaw tagasalo at tagabayad ng
lahat-lahat ng pangangailangan ng mahal mo sa buhay. Tapos masaklap pa kung may
absuadong nilalang pa sa mga kadugo mo. Stressed ka na lahat-lahat, hihiram pa
sa ‘yo. Tapos pag hindi mo nabigyan, ikaw pa ang lalabas na masama. Kapag
binigyan mo naman, aabuso hanggang sa dumating sa punto na marerealized mo na
ikaw pala ang sumusustento sa bisyo na dapat ay siya na ang nagtatrabaho para
dito?
Kaya kung sobrang urat mo na sa mundo,
naiintindihan kita kaibigan. Kaisa kita. Mabuhay ang mga mangagawa!
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!