6:40:07 PM | 5/21/2013 | Tuesday
Tapos na ang eleksyon. Naiproklama na ang mga nanalong
kandidato. Kaso may pahabol na patutsada ang ilan. Pero hindi ang mga natalong
kandidato mismo ang umaangal ng “pandaraya.” Alam mo kung sino? Ang ilang mga
personalidad, at ang kanilang nirereklamo ay ang pagproklama sa labindalawang
mga senador na nananlo nitong 2013 midterm elections.
Naiproklama naman sila ah. Ano naman ang problema dun? Noong
mga nagdaang araw kasi, unang naiproklama ang 6 na senador ng bansa. At sa mga
sumunod na araw, ang pang-7 hanggang ika-9 na nananalo. At sa huling batch ng
proklamasyon, ang huling 3 pwesto.
Pero, yan ay sa kabila nito: hindi pa tapos ang bilangang naganap
nun. Sa kaso ng unang anim na naproklama, nasa mahigit 76 na porsyento ng mga boto
pa lang ang nabilang. Yan ay sa partial at unofficial count lamang mula sa
COMELEC transparency server. What more pa ‘to? Ni wala pa yata sa kalahati o ni
sa sampung prosyento lamang ang nakalap na bilangan nun sa official tally nila,
pero naiproklama na ang mga senador? Pero last week yan. Sa malamang natapos na
‘to ngayon, dahil alam na rin naman ng tao ang resulta.
Naalala ko tuloy ang wika ni Atty. Macalintal sa interview niya
sa programang Balitang 60. Hindi raw legal ang naganap na proclamation, ayon sa
kanya kung gnun nga ang kaso. Kasi dapat raw, siyento porsyento ang kumplesyon
ng pagbilang sa mga election certificate of canvass. Naku, yun lang.
Ito lang ang nakagugulo ng aking isipan: akala ko ba na
dapat ay mas akurado na ang magiging kahinatnan ng automated election? Pucha,
tol, akala ko rin e. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit sa kabila ng
mga naganap na modernisasyo nitong nagdaang midterm elections, e marami pa rin
ang umaangal ukol dito. Sinasabing lumala ang mga kaganapan.
Pero ayan na ang resulta e. Move on move on din pag may
time.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!