Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 May 2013

Lagim ng Isang “Buhawi.”

4:36:29 AM | 5/25/2013 | Saturday

Naalala ko ang isa sa mga recent episodes ng palabas na Rescue. Ilan sa mga lalawigan sa Luzon, ang Ilocos Sur at Tarlac ay minsan nang binulabog ng isang “buhawi.” Bagamat sa kabutihang palaad ay walang buhay na nawala, sinira naman nito ang ilang ari-arian at hanapbuhay. Nag-iwan pa rin ng matinding pinsala at trauma para sa karamihan na ang hanap buhay ay nasa bukirin ng mga probinsya.

Napakabihira para sa isang tropical na bansa na tulad ng Pilipinas ang maranasan ang isang malagim na kalamidad na kung tawagin ay buhawi. Kung magkaroon man, tiyak na hindi ito singlakas ng mga tornado o twister sa mga bansa sa kanlurang hemisphere tulad ng Estados Unidos. And speaking of which, mas nagiging evident yata ang balita ukol sa buhawi kapag ito’y parte ng sirkulasyon abroad, tulad ng nangyari sa Oklahoma nitong nakaraang araw lamang.


Isang malagim na Lunes ng hapon (Mayo 21, 2013) noong maganap ito, at ang tinamaan na mga lugar ay ang Moore, isang suburban area at ang lungsod ng Oklahoma mismo. Mas malakas daw diumano ito kesa sa atomic bomb na pinasabog sa Hiroshima, Japan noong 1945. Sa sobrang bagsik lang niya, nag-iwan ito ng gabundok na debris mula sa nasirang mga imprastaraktura, gusali at ultimo mga nabuwal na puno, kawad at linya ng kuryente, at ang pinakamasaklap na parte – kumitil ng buhay ng mga tao roon. Pinaniniwalaan na nasa daan-daan ang namatay, naging sugatan at patuloy pa ring hinahanap sa trahedyang ito.

Kung tutuusin, hindi na bago sa Amerika ang isang buhawi. Pero ayon sa mga biktima at nakasaksi sa mala-catastrophe na insidenteng ito, napakalakas diumano ang hangin na dala ng naturang tornado.

Marami na ang nagpa-abot at nagbigay ng tulong, mapa-pinansyal man o dasal, tulad na lang ng superstar sa NBA at ang isa sa mga manlalaro ng hometown na Oklahoma City Thunder na si Kevin Durant.

Pero paano nga ba nagkakaroon ng isang tornado?

Kung pagbabasehan ang dayagrama ng isang foreign news group na AFP, ayon na rin sa kanilang mga source na NOAA, Britannica Encyclopedia at National Geographic, resulta ito ng pagsasama ng mainit na hangin mula sa kalupaan at malamig na hangin mula sa kaulapan. Habang umiikot na parang naghahalo ang mainit at malamig na hangin, mula sa isang mala nimbus o storm cloud, ay nagiging destructive force siya. Bagamat ang litratong ito ay mula sa isang news website na www.abc.net.au.

www.abc.net.au


Kayang patumbahin ang anumang madadaanang gusali. Kayang iangat ang sinumang hindi makakapit nang matindi. Kahit sa normal na takbo nito na sa pagitan ng 16 hanggang 32 kilometro kada oras (kph; km/h), at sa hangin na aabot pa sa mahigit daan-daang kilometro kada oras.

Nakagigimbal nga lang isipin. Pero ang tornado sa Oklahoma ay hindi na normal kung ikukumpara sa mga kahalintulad na kalamidad na dumaan sa Estados Unidos. Dala na rin ito siguro ng nagbabagong klima ng mundo, o kung tawagin ay “Climate Change.”


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!