10:24:21 PM | 5/30/2013 | Thursday
Natapos na ang eleksyon. Hay, sa wakas! Lumabas na ang resulta, naiproklama na ang dapat maiporklama, naupo ang dapat naupo… hindi makakaila, nagdesiyon na ang taumbayan.
At sa tuluyang pagtatapos ng election period, may mga aral na dapat nating matutunan, at mga aral na hindi naman nating sinuway. Narito ang ilan sa mga lessons learned and unlearned sa nakalipas na 2013 midterm elections dito sa Pilipinas.
1. Ang mga linyang ginamit, mga salitang nagbigay pangalan at nagging ingay sa halalang ito. Lesson learned: hindi lahat ng mga ito ay may garantiyang tsansa para magkaroon ng upuan sa gobyerno.
2. Pamilyar na pangalan, at para lang silang mga resiklong basura, o plakang in-unli ang playback. Lesson unlearned: dahil sila lang at sila pa rin ang nagsisikandidato.
3. Marumi ang labanan. Dahil sa pulitika, ang mga may mapuputing hangarin ay nababahiran ng dumi, o minsan pa nga ay maitim. Ang mga may-sala na sa mata ng batas at politically speaking e deprived na dapat ang kanilang karapatan para maihalal, ayun, anyare? At paulit-ulit na rin lang naman ito, kaya ito ay nasa ating lesson unlearned.
4. May kasabihan, ang taong inaalipusta sa una, ay siyang nagwawagi sa huli. Tulad ng ilan sa mga pinutakteng kandidato, sila rin ay nahalal sa ayaw man at sa gusto natin. Lesson unlearned kasi alam na nga natin na hindi siya karapat-dapat, nagkakalat pa tayo ng kanya-kanya at sari-saring mga “black propaganda.” Mahihilig pa naman ang karamihan sa mga soap opera at telenovela na may pagkaunderdog o tipikal na biktima ang nagiging bida, at siyang humahalakhak sa bandang hulihan. Happy ending ‘to sa mata ng mayorya, pero pagsisimula ng apokalipto naman ‘to sa mata ng matatalinong minorya. Kaya ano ang aral dito? Manahimik at ikampanya na lang ang mga mas karapat-dapat sa mata natin.
5. Automated nga, bulok naman. Lesson unlearned. Sa dalawang pagkakataon na nagkaroon tayo ng automated na election, hindi pa rin nawawala ang mga sigalot na nagsilbing “bulok” na bagay sa ating sistema. Nakaaapekto ito sa ating buhay kaya ang smooth sailing na takbo sana ng eleksyon, ayun, nagkandaleche-leche na.
6. Ban?! Lesson unlearned. Sa malaya’t demokratikong lipunan, hindi uso ang salitang “batas.” Dahil ang tingin nila sa mga ito, balakid o siga.
7. Ang mga karapat-dapat na manugkulan, hindi napupunta sa dapat patunguhan. At ang mga hindi karapat-dapat na manalo at siya pang nagwawagi sa bandang dulo. Kawawa naman ang botanteng mamamayan, lesson unlearned para sa atin yan. Nakaiilang beses na tayong ganito?
8. Ang patutsada sa harap ng media na “parang mga tanga lang.” Lesson unlearned. Drama lang naman nila yan e. Anak ng pating naman oh.
9. Showbiz government. Lesson learned sa ilang mga lalawigan kasi bumoto sila ng ayon sa prinsipyo ng mga kumakandidato, hindi dahil sa kasikatan at papel nila sa showbiz.
10. Political dynasty. Lesson learned para sa ilang mga lalawigan na nagtagumpay sa pagbuwag sa ilang mga angkan ng pulitikal na dinastiya. Lesson unlearned naman para sa mga nagbulag-bulagan.
11. BIMPO, o Batang Isinubo Ng Magulang sa POlitika. Kaisa-isang kaso sa national level, bumagsak pa ang taumbayan, kaya ito ay lesson unlearned. O baka naman dahil minsan lang sila makaengkwentro ng ganito?
12. Funny losers. Idinadaan sa katatawanan ang pagkatalo. Lesson learned. Tuloy pa rin ang buhay. Pero lesson unlearned kung idinadaan naman din sa patawa ang mga sigaw ng mga “nadaya.”
13. Partial proclamation. Lesson unlearned. Hindi porket automated ang resulta e mamadaliin mo na rin ang pagproklama, lalo na kung dikitan ang laban (okay sana kung lopsided ang standing ng isa sa bilangan e).
14. Hindi “majority” ang mga nasa social media. Lesson unlearned kasi noong 2010 elections e halos ganito rin ang projection at outcome ng mga tao roon, particular na yung mga taong kinabibilangan ang mga “thinking class.” So ano ang ibig sabihin nito?
15. Maraming mangmang na botante. Lesson unlearned, kasi hindi natin inaral ang demographics ng Philippine voting population, kung saan ay karamihan sa mga botante ay nasa estado ng masa. Kaya ano ba ang malay nila sa iniisip ng iba? O kung nag-iisip pa ba sila? Pang-ilang beses na rin ba ang ganito? Kaya di makausad ang bansa e. Tapos may gana pang magreklamo kung hindi maganda ang turnout sa susunod na tatlong taon!? Patay tayo d’yan!
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!