Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

03 May 2013

My Take: WOTL’ s Snappy Answers to Stupid Questions


8:14:47 PM | 5/3/2013 | Friday



Isa sa mga sinusubaybayan kong programa sa Television ang interstitial na Word of The Lourd. At ang episode ng ito ang isa sa mga pinakapaborito ko: Snappy Answers To Stupid Questions. Pero yung unang installment ha? (Corny na kasi yung pangalawa)

Sa aking pagmamamasid, isa rin ito sa mga pinutakte sa YouTube. Dumami ang mga nagpost ng hate comment sa host at sa palabas na ‘to mismo. Ano ‘to, hindi sila sang-ayon sa puntong nilabas ng naturang video o hindi lang nila kayang umamin sa mga katangahang nagagawa nila?


Teka, balikan nga natin. Snappy Answers to Stupid Questions. Derived mula sa Mad Maganzine na gawa ni Al Jaffee. Sa Pilipinas, mas kilala si Vice Ganda sa ganitong itsilo ng pagpapatawa, at sa ating local na bokabularyo, ang tawag sa mga ganito ay “pamimilosopo.”

At kung tutuusin, saan ba ang pinakapunto ng episode na ito? Sa kaganapan noon ng pagkamatay ni Sally Ordinario, isang Pinay na nahatulan ng bitay sa bansang Tsina dahil sa kaso na may kinalaman sa droga, may mga taga-media kasi na nagbato ng ilang mga stupid questions sa mga kamag-anak ni Sally.

“Hinika daw po kayo nung nalaman niyo po yung balita? Dinibdib niyo po ba?”

Ayos na sana yung unang tanong. Pero… dinibdib n’yo po ba? Teka, parang nakakatanga lang. ano kaya ang pwede mong isagot d’yan, lalo na kung sa sobrang dalamhati mo e mainsulto at mabadtrip mka pa lalo sa ganitong tanong?

Sa kabilang banda, iniuugnay lang din ito sa mga tanong na lagi nating nakaka-engkwentro sa araw-araw na pamumuhay natin.

Bagamat may mga obvious na stupid question na nailarawan sa episode na ito, mayroong mga eksena din na hindi naman ako sang-ayon.  Tulad ng mga tanong na hindi naman talaga maikaklasipika na stupid question, dahil sa mga posibleng kadahilanan na antin na “malay ko ba?” o ‘di naman kaya ay “naninigurado lang.”

Pero hindi ito dahilan para sabihin na masyadong elitista si Lourd. Pananaw niya yan e, at social-commentary ang tema ng naturang palabas.

Sa tingin ko, hindi niya nilalapastangan ang kultura ng Pinoy, ine-expose lang niya ang kamalian ng ilan sa atin. At kung natamaan ka sa mga kalokohan at sablay na ideya at lohika ng ating kasalukuyang kultura, sorry ka na lang.

Nagsilbing salamin ang episode na ito ng WOTL para sa mga hangal at nagtatanga-tangahan sa lipunan. Wala sa mga tauhan ng naturang video ang problema. Alam ko kung nakanino? Sa mga manunood.

Author: slickmaster | ©2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!