Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 May 2013

Pinoy Na Pinoy Ang Summer


12:56 AM | 03/21/2013

Ang pamagat ng post na ito ay may halaw na inspirasyon at konteksto mula sa “Pinoy Na Pinoy” segment ng programang “The Disenchanted Kingdom” na umeere noong 2009 hanggang 2012 sa 99.5 RT

Miyembro ako ng isang Facebook group ng isang dating programa sa radyo. Bihira nga lang ako magpost dun. At maalala ko pala, sa palatuntunan din na iyun umeere ang segment na kung tawagin ay “Pinoy na Pinoy.” Dito pinag-uusapan ang ilang mga bagay na nakakarelate sa bawat Pinoy.

As in Pinoy na Pinoy lang. At dahil summer na, ito ang iilan sa mga senyales na summer na sa Pilipinas.


Kapag mainit. Siyempre, ala namang may “malamig” na summer, ‘di ba? Ano ka, si Francis Magalona o Arnee Hidalgo na kumanta ng “Cold Summer Nights?” Tag-init ang klima ng summer, kaya matik na may magrereklamo d’yan na “ang init!”

Tatagak ang pawis, may mangangamoy-anghit, magkakaroon ng an-an… at, siyempre, sunburn (lalo na kung hindi mo hilig ang mag sunblock kapag nagtatampisaw ka sa beach o swimming pool).

At sa sobrang init lang nun, baka magsuot ka na lang ng underwear habang nasa bahay ka, at matulog na halos walang salwal na suot pag gabi.

Kapag wala ka nang baon, maliban na lang kung may summer classes ka. Dahil wala kang pasok. Pero kahit walang pasok…

Dadami na naman ang tambay na bata sa computer shop. Aba, matik na lalo na sa panahon ngayon at kung wala silang PC at internet sa bahay.

Kapag dumami ang mga nagtitinda ng halo-halo, palamig at ice candy sa bawat kanto ng komunidad mo.  Siyempre, business e. Ala namang magtinda ka ng halo-halo pag tag-ulan, unless kung tulad ka ng Chowking o ng anumang food outlet na talagang nagbebenta ng halo-halo. (O, samalamig, samalamig kayo d’yan!)
Pero mas magandang trip nun ang kumain ng mga prutas tulad ng pakwan, melon, o buko.

Kapag sold out ang yelo. Isa sa mga mabebenta pag ganitong panahon yan e.

Kapag maraming nakatambay sa mall para magpalamig. Yan ay applicable kung can’t afford mo ang ma-out-of-town.

Kapag naging fully-booked (o kung hindi man, at least mabenta) ang mga out-of-town trips mula sa transportasyon hanggang resorts, hanggang hotel. Isama mo na d’yan ang matinding bentahan ng swimsuit at salbabida.

Siyempre, uso ang outing. Hindi Pinoy ang (o acutally, hindi siya) summer kapag walang “outing” o excursion trip lalo na kung nagtatrabaho ka na. Speaking of trabaho…

Kapag nauuso ang summer job, ala namang magkaroon ng summer job pagdating ng Kapaskuhan? Pero siyempre, para may mapagkakitaan naman ang mga bata at maranasan nila ang maghanap-buhay.

Kapag may liga ng basketball sa baranggay. Madalas ito pag summer, bagamat sa ibang lugar e sa ibang petsa at buwan ito idinaraos.

Kapag nauuso ang “tuli.” Lalo na yung de-pokpok sa probinsya. Maraming binata ang nasa bakasyon e, panahon na ‘to para sa kanila.

Iilan lang yan sa mga nauusong bagay kapag panahon ng tag-init. Kung may mga bagay pa sa tingin niyo e nauuso kapag summer sa Pinas, e libre lang ang magbigay ng kumento.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!